Chapter 91 Ayesha's POV Hindi ko na alam kung paano pa nga ba ipapaliwanag ang takot na nababasa ko ngayon sa mukha at mata ng mahal na reyna lalo na at ganito pa ang naging reaksyon ko sa bagay na ito. Sa katunayan ay wala naman akong dapat na ikagalit sa kanila dahil kinalinga nila ako at binigyan ng isang magandang buhay. Binigay nila sa akin ang titulo ng isang prinsesa kahit pa alam nila na hindi naman nila ako tunay na anak. Pinagkatiwala nila sa akin ang pagiging isang tagapagmana na dati ay kinasasama ko pa ng loob dahil pinapangunahan nila ako sa mga gusto kong gawin. Ngunit ang dapat kong ikagalit at sa tingin ko naman na karapatan ko ay ang katotohanan na naglihim sila sa akin. Hindi lamang isang simpleng bagay at katotohanan ang tinago nila sa akin nang ganito katagal kundi

