Chapter 90 Ayesha's POV Dahil na rin sa pagkabigla sa mga nalaman ko ay hindi ko na nagawa pa ang kumilos. Hindi ko alam kung ano nga ba ang dapat kong gawin. Dapat ko ba silang harapin at itanong kung totoo ang mga sinabi nila? O manahimik na lamang at umarte nang tila ay walang narinig dahil kung malalaman ko na hindi nga nila ako anak at hindi ako isang prinsesa ay sigurado ako na labis akong masasaktan. Ngunit naiisip ko rin naman na kung hindi ko sila tatanungin at hindi bibigyang linaw ang mga narinig ko ngayon ay sigurado ako na habang-buhay nang may tanong sa kung sino at ano ba ako. Ngunit hindi pangkaraniwang bagay kasi ang aking natuklasan. Dahil bukod sa hindi pala nila ako tunay na anak ay hindi maikakaila na mas nakakabigla ang katotohanan na isa pala akong tao. Dahil dito

