Chapter 89 Ayesha's POV Hindi ko alam kung kailan kami muling mapapag-isa ng mahal na reyna ngunit nais ko na sana ay magkaroon agad kaming dalawa ng pagkakataon na makapag-usap nang kaming dalawa lamang. At sa oras na makuha ko ang pagkakataon na iyon ay hindi na ako magsasayang pa ng oras sa mga paliguy-ligoy niya na tulad na lamang ng nangyari ngayon. Sana sa susunod namin na pag-uusap ng mahal na reyna ay maging diretso na siya sa pagsagot at hindi na kami magsayang pang muli ng oras dahil ganoon din naman ang mangyayari. Kakailanganin at kakailanganin niya na sagutin ang tanong ko dahil hinding-hindi ko siya plano na tigilan. Dumiretso na ako sa aking silid at muling nilapat ang aking likod sa malambot ko na higaan. Pakiramdam ko ay naging masyadong mahaba ang araw na ito dahil sa

