Chapter 85 Ayesha's POV Malaki ang ngiti ng mahal na reyna nang papasukin niya ako at sigurado ako na oras na marinig niya ang sinasabi ko na nais kong itanong ay sigurado ako na mawawala ang mga ngiti niyang ito sa akin. Maaaring mapalitan ito ng isang nakakalokong pagtawa o hindi naman kaya ay kagalitan niya ako. Dahil na rin sa kumukuha pa ako ng tiyempo ay tahimik lang ako na tumuloy sa silid ng mahal na hari at mahal na reyna. Mabuti na lamang din at waa rito ang hari dahil kung dalawa pa sila na nandito ay baka hindi ako makapagsalita nang ayos at hindi ko masisimulan ang sadya ko rito. Mabuti na lamang din na kahit papaano ay magaan na ang loob ko na makipag-usap sa mahal na reyna kaya nagkakaroon ako ng kaunting lakas ng loob. Kung tulad pa rin siguro noon ang trato namin sa is

