Chapter 84 Ayesha's POV Habang nagbibihis nga ako mula sa aking pagligo ay ang tungkol sa taga-mundong ibabaw pa rin ang naging laman ang isip ko. At pinagpapasalamat ko na rin naman ang bagay na ito dahil kahit papaano ang nalilibang ang isip ko tungkol sa ibang bagay at hindi sa iisang nilalang lamang. Nang makapagbihis na nga ako ay agad akong nahiga at saka ko pinlano ang magiging sunod na hakbang ko sa kung paano matutuklasan ang tungkol sa tao na tinutukoy ng maestro ni Javadd. Ngunit sa totoo lang ay may naiisip naman na talaga akong paraan upang kahit papaano ay magkaroon ako ng ideya sa mga maaaring kasagutan. ngunit hindi ko naman iyon naiisipan man lang na bigyan ng pagkakataon dahil bukod sa maaari lang nila akong kagalitan ay pagtatawanan pa nila. Dahil wala akong ibang V

