Chapter 104 Ayesha's POV Sa paglipas nga ng bawat araw naming mag-ina rito sa lugar na ito ay mas lalo ko lang napatunayan na isa sa pinaka-tama kong naging desisyon ay ang pagpili ko na tumira sa lugar na ito. Kung naging sobra-sobra ang pag-aalaga nila sa akin noong nagbubuntis ako ay nagawa pa nila iyong higitan ngayon na nanganak na ako. Sa katunayan nga, simula nang manganak ako ay hindi na kami nawawalan ng bisita sa bahay dahil sa kagustuhan ng lahat ng kapitbahay namin na makita ang sanggol ko. At natutuwa ako sa mga nagiging komento nila na napakaganda ng anak ko. Ngunit mayroon silang nagiging komento na hindi ko raw kamukha ang anak ko. Wala namang iyong kaso sa akin dahil totoo naman ang sinasabi nilang iyon. Totoo na hindi ko nga kamukha si Zayril. Walang bahagi ng aking m

