Chapter 103 Ayesha's POV Pakiramdam ko rhindi ko na alam ang mga nangyayari sa aking kapaligiran. Natutuliro na ako at naririndi. Ang tangi ko na lang naririnig ay ang utos ni Ginang Melbren na umire ako. Kaya iyon na lamang ang ginagawa ko. Umire ako sa abot ng makakaya ko. Binuhos ko na ang lahat ng lakas na mayroon ako para lang maisilang ko na ang sanggol. Hanggang sa ilang sandali pa nga ang lumipas ay isang iyak na ng sanggol ang bumalot sa paligid. Sinilip ko pa ang ginagawa ni Ginang Melbren at nakita ko na pinupunasan niya ang katawan ng anak ko na balot ng dugo. Hanggang sa bihisan niya ito at naglakad na siya pabalik sa akin. Nginitian niya ako bago iniabot sa akin ang sanggol na kanyang hawak. At sa unang tingin ko pa lang sa aking anak ay naramdaman ko na agad ang pamamasa

