Chapter 115 Ayesha's POV Ilang sandali na rin ang lumilipas mula nang tanungin ako ni Markiya kung kilala ko ba ang Javadd na tinutukoy niya na naghahanap sa akin ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin akong naisasagot. Nabakas naman ang pagkainip sa kanyang mukha ngunit hindi naman niya akong magawa na kulitin dahil ako pa rin ang prinsesa at pinagsisilbihan niya. Kaya ang tanging ginawa niya lang ay ang maghintay sa isasagot ko. Ngunit iyon ay kung may isasagot ba ako. Sa tingin ko ay mas makakabuti kung mananahimik na lamang ako tungkol sa katotohanan na may kilala nga akong Javadd. Ngunit dahil naghihintay pa rin si Markiya ng sagot ko ay wala akong magagawa kundi ang magbigay ng sagot. Kailangan na kahit papaano ay may masabi ako tungkol dito. "Javadd? Nasa palasyo ka pa ba nang mga

