Chapter 114

2224 Words

Chapter 114 Ayesha's POV Dito sa kanilang tanggapan na lamang namin napili ni Markiya na magpatuloy sa pagkukuwentuhan dahil dito lang din kasi ang bakante. Dito na rin namin plano na hintayin ang kapatid niya na matapos kanyang pagluluto. Hindi naman ako nagmamadali sa pagkain dahil hindi pa naman ako gaano nakakaramdam ng gutom. Hindi rin naman kasi ako napagod sa pagpunta namin dito dahil nakasakay naman kami sa kalesa at hindi naglakad. Sana nga lamang ay hindi pa rin gutom ang tagasilbi na kasama ko at ang nagpatakbo ng kalesa. Dahil nga sa matagal-tagal din naman kaming hindi nakapag-usap ni Markiya na ilang buwan din ay marami kaming napag-usapan. Bawat isa sa amin ay may baon na kwento. Ngunit mas maraming nasasabi si Markiya tungkol sa ilang buwang nagdaan sa kanyang buhay niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD