Chapter 113 Ayesha's POV Hindi ko alam ngunit pakiramdam ko ay napakalaking bagay para sa akin ang makapasok sa tahanan nina Markiya. Siguro ay dahil alam ko sa aking sarili na ilang taon na rin kaming magkaibigan ni Markiya na tila ba buong buhay namin ay magkakilala na kami dahil bata pa lang kaming dalawa ay siya na ang kasa-kasama ko ngunit wala pa kahit na isa man lang sa kanilang pamilya ang nakikilala ko. Ngunit ngayon na magkakaroon na ako ng pagkakataon na makilala ang pamilya ni Markiya ay doon ko pa lang siguro tunay na mararamdaman na talagang magkaibigan nga kami. Noon pa man talaga ay nais ko nang mangulit sa kanya na isama ako sa kanilang bahay ngunit kahit na anong pilit ko sa kanya noon ay talagang ayaw niya dahil nga sa nahihiya siya sa akin. Paulit-ulit at lagi niyang

