Chapter 95 Ayesha's POV Malaki ang naging pasasalamat ko dahil nakuha ko ang suporta ng hari sa plano kong ito. Alam ko na mahihirapan akong kumbinsihin ang mahal na reyna na mapapayag siya na umalis ako ngunit ngayon na makakatulong ko ang hari sa pagkumbinsi sa kanya, siguro naman ay hindi na ako ganoon mahihirapan. Alam ko rin naman kasi sa sarili ko na hindi ako makakaalis ng kaharian na ito kung ganito magiging kalungkot ang mahal na reyna sa pagkawala ko. Bago ako umalis ay kailangan kong siguraduhin na maiintindihan ng mahal na reyna na ang gagawin kong ito ay para sa aming lahat at hindi para iwan sila. Kailangan niya ring paniwalaan ang bibitiwan kong salita na babalik ako. At ang pag-alis kong ito ay para lang mabigyan ng oras ang aking sarili na makalimot sa ginawa nilang pag

