Chapter 70 Ayesha's POV Matapos ang mga narinig namin mula sa dating maestro ni Javadd ay mas lalo lamang yata dumami ang mga tanong sa isip namin. At sasamantalahin na namin ang pagkakataon na nagagawa niyang sagutin ang mga tanong namin. Mukha namang hindi pa siya naiirita sa amin at nagugustuhan niya ang mga tanong namin. Siguro ay dahil na rin sa nasabik siya na mapag-usapan muli ang tungkol sa mundong ibabaw na madalas niya noong ikwento kay Javadd. Matanda na talaga ang maestro niya at nagpapasalamat ako na nagkaroon ulit ako ng pagkakataon na makarinig ng kwento. Mabuti na lamang at naplano agad namin ito ni Javadd. Ang sumunod pang mga sandali ay napuno ng mga tanong mula sa amin ni Javadd. At magiliw naman itong sinasagot ng maestro. Kung ang La Vitre ay nahahati sa tatlo—ang

