Chapter 82 Ayesha's POV Hindi ko alam kung seryoso ba si Markiya sa kanyang sinasabi at tinatanong ngunit nakikita ko naman sa mukha niya na seryoso siya. Hindi ko tuloy alam kung ano ang iisipin ko. Ngunit hindi rin naman nagtagal ay napangiti na lamang ako dahil sa tingin ko ay naiintihan ko na kung ano ang nasa isip niya kung bakit niya iyon na itanong sa akin. Siguro ay nag-aalala siya na baka tulad niya ay nagkakagusto rin ako kay Digno. Gusto ko sana siyang tawanan dahil naiisip niya iyon sa akin at para na rin gumaan ang paligid, pero alam ko naman na isa itong seryosong usapan kaya hindi rin ako makatawa. Tinitigan ko nang mabuti si Markiya at agad naman siyang napayuko dahil na rin siguro sa hiya sa naging tanong niya. Ngunit wala naman siyang dapat na ikahiya dahil naiintindih

