"Malapit nang matapos ang pelikulang pinagbibidahan mo kaya heto, may mga bagong endorsement kang aatupagin pagkatapos ng taping," bungad sa kanya ni Nikki isang araw nang mapasukan siya nito sa loob ng dressing room kung saan abala siyang nagme-make-up sa sarili. Inilapag nito sa kanyang harapan ang panibagong endorsement sa kanyang mesa.
"Kailangan ko bang gagawin 'yan?" tanong niya habang pinagmamasdan niya ang kanyang manager sa harap na salamin.
"If you want a break. Okay, fine. We will have a talk with the company of these products," aniya habang siya naman ay abala sa pag-aayos sa sarili.
May sarili siyang make-up artist pero may mga pagkakataon kasi na mas gugustuhin niyang siya na mismo ang mag-aayos sa sarili.
"By the way, about du'n sa sinabi mo sa akin. May lead ka na ba kung totoo ba 'yon or that was just a coincidence?"
"Clueless pa rin ako hanggang ngayon," aniya habang pinagmamasdan niya ang sarili sa harap ng salamin.
"May nakaawat ka ba?"
Napaisip siya ng saglit. Wala siyang nakaaway maliban lang sa kanyang mga magulang dahil sa kagustuhan ng mga ito na ipakasal siya kay Jeoff na ayaw naman niya.
Tumayo siya saka nilapitan niya ang kanyang phone nang bigla itong mag-vibrate.
"Lalabas at lalabas pa rin ang katotohanan," aniya habang hawak na niya ang kanyang phone.
Rumihestro sa kanyang mukha ang pagtataka nang may natanggap siyang text message sa isang unknown phone number.
Dali-dali niya itong binasa at ganu'n na lang ang kanyang pagkabigla at pagkatakot.
We will kill him until you give up
Napaawang ang kanyang mga labi kasabay ng pagkahulog ng kanyang hawak na phone.
Agad na lumapit sa kanya si Nikki na nag-aalala nang bulabugin ng pagkahulog ng kanyang phone sa sahig ang atensyon ng isang single mom.
"What's wrong?" nag-aalala nitong tanong.
Aga nitong pinulot ang kanyang phone at binasa ang text message at ganu'n na lang din ang pagkabigla ni Nikki nang mabasa niya ito.
"Si Clinton?" nag-aalalang nasambit ni Georgette sa pangalan ng binata at walang lingun-likod na tumakbo siya palabas ng dressing room kahit pa tinatawag siya ng paulit-ulit ng kanyang manager.
"Wait, George!" tawag sa kanya ni Nikki pero hindi niya ito pinansin. Ang inaalala niya ngayon ay ang kaligtasan ng kanyang nobyo.
Nakahinga naman siya nang maluwag nang paglabas niya ay nakita niyang nakangiting nakikipag-usap si Clinton sa iba pang screw na nandu'n.
Napapikit siya. Para tuloy siyang nabunutan ng malaking tinik nang makita niyang maayos naman ang kalagayan ni Clinton.
Napatingin sa kanya ang binata at napangiti ito habang ang dibdib niya ay hindi pa rin humuhupa ang pagkabog sa sobrang pagkatakot.
Kasabay ng pagngiti ni Clinton ay siya ring pagharurot ng isang motor sa di-kalayuan kung saan nakatayo ang binata kasama ang mga kausap nitong crew. Dalawa ang sakay ng motor at parehong naka-helmet, may gloves at nakasapatos kaya mahirap malaman ang pagkakakilanlan ng mga ito.
May kung anong kabang muling bumundol sa puso ni Georgette at hindi niya naiwasan ang kabahan at matakot para sa security ng kanyang nobyo.
Mabilis ang pagtakbo nito patungo sa direksyon nina Clinton at nang nakalapit na ito at isang putok ang pinakawalan ng angkas nito at tumama ito sa kaliwang balikat ni Clinton.
"Clinton!" sigaw niya saka nagmamadali siyang lumapit aa binatang nakahandusay na at duguan. Buti na lang at nasalo siya ng isa sa mga kausap nito.
"Clinton?!" pukaw niya sa binata nang mahawakan na niya ito. Agad na nagsilapitan ang iba pang staff at may tumawag na rin ng ambulansiya.
"Clinton?" muli pa niyang tawag sa binata. Napatingin siya sa kanyang palad nang maramdaman niyang mamasa-masa ito saka lang niya napagtanto na dugo pala ang kanyang nahawakan.
"Please, call the ambulance, please!" umiiyak na niyang pakiusap at muli niyang binalingan si Clinton.
"Clinton, please. Stay with me. Okay?" Umaagos pa rin ang kanyang mga luha habang kinakausap niya ang binata at hindi nagtagal ay dumating na rin ang rescue.
Agad nilang dinala si Clinton sa isang malapit na hospital at agad naman siyang inasikaso ng doktor.
Hindi mapalagay si Georgette habang naghihintay sila sa paglabas ng doktor na nag-asikaso kay Clinton. Pabalik-balik ang ginagawa niyang paglakad sa harap ni Nikki.
"George? Will you stop walking in front of me? Nahihilo ako sa'yo," reklamo ng kanyang manager.
"I'm worried for Clinton----"Alam ko pero sa tingin mo makakatulong 'yang paglakad-lakad mo diyan?" agad nitong putol sa iba pa sana niyang sasabihin.
"Take a seat and then relax," dagdag pa ni Nikki at agad namang tumalima si Georgette. Umupo si Georgette sa tabi ng kaibigan at taos-pusong inuusal na sana magiging okay lang ang kalagayan ng nobyo.
Makalipas ang ilang sandali ay bumukas ang pinto ng emergency room at iniluwa iyon ng doktor na nag-asikaso sa binata. Agad na tumayo si Georgette at sinalubong niya ang doktor.
"Dok?" agad niyang tawag sa doktor. "How is he?" nag-aalala pa rin niyang tanong.
"Okay na siya," sabi ng doktor. Nakahinga naman ng maluwag si Georgette sa narinig galing sa doktor, "Sa balikat lang siya tinamaan kaya hindi ganu'n kalala ang kanyang kalagayan," dagdag pa nito.
Matapos sabihin ng doktor ang mga impormasyon na kailangang malaman ni Georgette ay agad na rin itong nagpaalam.
"May taong nasa likod ng lahat nang 'to," ani Nikki nang makapag-usap na silang dalawa nang masinsinan habang pinagmamasdan nila ang natutulog pa na si Clinton.
"I think so," sagot naman ni Georgette.
"So, what is your plan?"
"Gusto mo munang alamin kung sino ang nasa likod nito," pahayag niya saka niya hinawakan ang kamay ng binata.
"Hindi kaya ang pakikipagrelasyon mo sa kanya ang dahilan ng 'to?"
Napatingin si Georgette sa kaibigan dahil sa sinabi nito.
"Look! Hindi nangyari ang mga ito noong hindi pa naging kayo ni Clinton. Have you noticed it?"
Tama si Nikki. Hindi nangyari ang lahat ng 'to noong hindi pa naging sila ni Clinton. Pero sino naman ang gagawa nu'n sa binata? Maliban sa kanyang pamilya, wala nang ibang alam si Georgette na makakagawa nu'n sa nobyo.
Napahigpit ang pagkakahawak niya sa palad ng binata habang pinagmamasdan niya ito sa mukha.
Naaawa siya para rito. Bakit kailangan pa niyang danasin ang ganitong sitwasyon sa piling niya. Peeo, kung sino man ang nasa likod ng lahat ng 'to, sisiguraduhin niyang hindi ito ang magiging dahilan para tuluyang masira ang relasyon na meron silang dalawa.
"Okay ka lang? Kumusta ang pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong ni Georgette nang isang umagang nagising si Clinton.
"Okay lang ako. Ikaw, kumusta ka?" tanong sa kanya ng binata.
Hinawakan niya ang kamay ni Clinton bago siya nagsalita, "Okay lang ako. Buti at gising ka na," nakangiting sabi niya.
Mabilis ang recovery ni Clinton dahil hindi naman masyadong malala ang kanyang kalagayan.
Sinubukan na rin nilang kunin ang kuha ng cctv ng mga oras na 'yon pero wala talaga silang nakuha dahil sira ang cctv ng mga oras na 'yon. Talagang pinlano ang lahat. Malinis ang pagkakagawa.
Nang makalabas na sa hospital si Clinton ay muli na namang binantaan ang kanyang buhay na siyang lalong ikinabahala ng dalaga.
"Alam kong may alam kayo dito!" galit na sumbat ni Georgette sa kanyang mga magulang isang araw nang hindi na niya kinaya pang magpakumbaba at baliwalian ang lahat.
Ipinakita niya sa mga ito ang nakunan nilang naka-riding in tandem na muli na namang umatake kay Clinton at buti na lang at walang nangyari sa binata.
Hindi umimik ang kanyang mga magulang sa kanyang sinabi at ramdam na ramdam ni Georgette na may kinalaman ang kanyang mga magulang dito.
"Sa tingin niyo ba, mapipigilan niyo ako sa gusto kong mangyari?"
"This is for your sake!" singhal ng kanyang ama.
"Kaya niyo gustong ipapatay ang lalaking gusto ko?" mangiyak-ngiyak niyang tanong.
"Just do what we want you to do para wala nang madadamay pa," segunda naman ng kanyang sariling ina kaya galit na binalingan niya ito nang tingin.
"Buong buhay ko, kinukontrol niyo. Ayaw ko na pati sa lalaking iibigin ko, kayo pa rin ang masusunod," aniya saka siya umalis sa harapan ng mga ito.
"What?!" gulat na gulat na bulalas ni Nikki isang araw nang sabihin niya ang kanyang plano.
"Are you out of your mind?" ulit nitong tanong.
"Ito lang ang tanging paraan na naisip ko," sagot naman niya sa boses na desperado na.
"Pinag-isipan mo na ba 'yan ng mabuti? Baka nabigla ka lang sa mga nangyayari sa buhay mo ngayon kaya ka nagkakaganyan. Alalahanin mong hindi basta-basta 'yang iniisip mo," paalala sa kanya ng kanyang kaibigan.
"Sigurado na ako. Isipin mo nga, Nikki, kung mag-iiba ang mukha ko, siguradong walang manggugulo sa akin."
"Kaya lang..." Hindi na magawa pang ituloy ni Nikki ang iba pa sana niyang sasabihin dahil nag-aalala rin ito sa magiging resulta.
"Please, help me. I need to hide para naman maranasan kong mamuhay ng tahimik."
"At sa tingin mo, magagawa mo 'yon kapag nagpalit ka ng mukha?"
"Kapag ang mukhang ipinalit sa akin ay hindi kilala ng buong madla, walang manggugulo sa akin, walang manghahabol sa akin kaya sigurado akong magagawa ko nang mamuhay ng tahimik."
"And what about your work?"
"Nikki, please. I'm begging you, please."
"Ano bang ginawa sa'yo ng Clint na 'yan at kaya mo nang bitawan ang lahat?"
"Gusto ko lang patunayan sa kanila na kahit kailan hindi ako nagkakamali sa mga naging desisyon ko sa buhay. Gusto kong patunayan sa kanila na kaya ko nang magdesisyong mag-isa na hindi na nila ako kailangan pang kontrolin."
"And after three months, what you're going to do?"
"Saka na natin pag-usapan ang tungkol sa bagay na 'yan pagkatapos ng lahat."
Natahimik si Nikki sa mga sinabi ng kaibigan. May magagawa pa ba siya? Kilala niya si Georgette, kapag ito nagdesisyon, hindi na talaga mababago pa pero tama nga ba ang desisyon ni Georgette? Hindi kaya niya ito pagsisihan sa bandang huli?