Chapter 8

1538 Words
Init na nagmumula sa sinag ng araw ang nagpagising sa diwa ni Jeoff kinabukasan. Agad siyang napamulat ng kanyang mga mata nang biglang may kung anong kumilos sa kanyang tabi. Nang imulat na niya ang kanyang mga mata ay ang sumalubong sa kanyang paningin ay ang mukha ni Sophie na mahimbing na natutulog habang nakaunan pa sa kanyang braso at nakayakap sa kanya. Nanlaki ang kanyang mga mata. Napatingin siya sa dalaga na walang suot na kahit ano sa itaas na bahagi ng katawan nito na bahagya pang natatakpan ng kumot na siya ring natakip sa hubad din niyang katawan. Habang nakatingin siya kay Sophie, hindi niya inaasahang muling nanariwa sa kanyang isipan ang lahat ng mga nangyari kagabi. Naalala niya kung papaano niya inangkin ang dalaga. Naalala niya kung papaano siya nagpadaloy sa tawag ng laman. Kasalanan ba niya? Nagawa lang naman niya iyon dahil sa kalasingan. Nagawa lang naman niya ang bagay na 'yon dahil sa pag-aakala na ang kanyang kaniig ay si Georgette. Naalala na rin niya kung ilang beses niyang binanggit ang pangalan ni Georgette pero bakit hindi man lang pumalag si Sophie? Dahil sa kanyang naisip, napagtanto niyang pinlano lahat ni Sophie ang kung anuman ang nangyari sa kanila kagabi kaya wala siyang dapat ikabahala, wala siyang dapat na ikatakot. Dali-dali siyang bumangon na siyang nagpagising sa dalaga dahil sa pabigla niyang paghila sa kanyang braso kung saan nakaunan si Sophie. Dali-dali niyang inabot ang kanyang jeans na nasa sahig at agad niya itong isinuot habang nakatingin sa kanya si Sophie na medyo naguguluhan pa sa nangyayari dahil kagigising lang nito. Pagkatapos niyang isuot ang kanyang jeans ay agad niyang hinagilap ang kanyang polo shirt at agad din niya itong isinuot saka siya lumakad palabas pero bago pa siya nakalabas ay pahabol na nagtanong si Sophie. "Where are you going?" nagtataka nitong tanong. "I'm going home," malamig niyang sagot saka muling humakbang palapit sa pinto pero agad na bumangon si Sophie at agad siyang pinigilan sa kanyang braso. "Wala ka bang sasabihin sa akin?" tanong nito. Alam niya kung ano ang tinutumbok nito. Pero may dapat pa ba silang pag-uusapan? "I'm gonna late for my work," aniya pero hindi pa rin siya binibitawan nito. "Last night, we----"We were both drank kaya natin nagawa ang hindi dapat," agad na putol ni Jeoff sa iba pa sanang sasabihin ni Sophie. Binalingan niya ng tingin si Sophie bago siya nagsalita, "So, let's forget about last night." Napaawang ang mga labi ng dalaga sa narinig galing sa bibig mismo ng lalaking kanyang sinasamba. "Ganu'n lang 'yon, Jeoff?" hindi makapaniwalang tanong ni Sophie. "And what do you expect from me? Do you want me to take the responsibility about what happened last night?" Hindi nakaimik si Sophie. Hindi niya inaasahan na maririnig niya ang ganu'ng bagay galing kay Jeoff. Ang akala niya, kapag nakuha na niya ang binata, magiging sa kanya na ito habang-buhay. "We were both drank at alam kong alam mo 'yan and besides, I didn't force you to have s*x with me, right? So, don't expect me to do something for you after that dahil hindi 'yon mangyayari. Alam ko ring alam mo kung sino ang babaeng gusto ko. It's Georgette and it's not you," sabi niya na sinadya pa niyang bigyan ng diin ang huling salita na kanyang binitawan saka na siya tuluyang umalis. Padabog na isinara ni Jeoff ang pinto ng condo ng dalaga. Naiwan namang nakatulala si Sophie sa loob ng kanyang kwarto. Hindi na rin niya napigilan ang sariling mapaiyak. Nasasaktan siya. Kabiguan ngayon ang bumabalot sa kanyang buong pagkatao. Nawalan na nga siya, nabigo pa siya. Napatingin siya sa bedsheet kung saan may bahid pang blood stain. Blood stain na nagpapaalala sa kanya na wala na sa kanya ang kayamanang kanyang iniingatan. Ang kayamanan na gusto niyang ibigay sa lalaking gusto niyang makakasama habang-buhay. She lost her virginity and it's all because of her stupidity! Nagmahal lang naman siya pero bakit kailangan pa niyang maranasan ang ganito? Kalahati na nga ng kanyang pagkatao ang nawala sa kanya, winasak pa ng binata ang kanyang puso! Napahagulhol siya ng iyak. Talagang hindi niya matanggap ang lahat! Pagkatapos siya nitong angkinin, iiwan lang pala siya nito na parang isang basahan. "Alam ko ring alam mo kung sino ang babaeng gusto ko. It's Georgette and it's not you." Napapikit siya nang maalala niya ang huling sinabi sa kanya ni Jeoff. Galit na hinablot niya ang bedsheet at itinapon niya ito sa sahig. Umiiyak na napasandal siya sa gilid ng kama habang balot na balot ng kumot ang hubad niyang katawan. Napahilamos niya ang kanyang palad sa kanyang mukha. Pressure na pressure na talaga siya sa nangyari, sa naging resulta. Muling bumangon sa kanyang dibdib ang galit para kay Georgette, naikuyom niya ang kanyang palad habang naniningkit naman ang kanyang mga mata. "Pagsisihan mo ang lahat ng sinabi mo, Jeoff. Hindi ko hahayaang mapunta ka lang sa iba pagkatapos mo akong pagsawaan," usal ng kanyang isipan habang umaagos ang kanyang mga luha. Gagawin niya ang lahat, mapasakanya lang si Jeoff. Gagawin niya ang lahat, hindi lang mapunta kay Georgette ang lalaking kanyang iniibig. Kahit ano pa man ang sasabihin ng iba, wala na siyang pakialam. Gagawin din  niya ang lahat, mapabagsak lang niya si Georgette. Gagawin niyang ang lahat maputol lang niya ang pakpak ng dalaga para hindi na ito makakalipad ng mas matayog pa sa kanya. Nakangiting naglalakad palapit si Georgette kay Clinton habang nakasandal ang binata sa kotse s  naghihintay sa kanya kung kailan matatapos ang kanyang taping. Agad din naman siyang napuna ni Clinton kaya napatingin ito sa kanya na may ngiti sa mga labi. Nakangiting lumakad palapit sa kanya ang binata at habang naglalakad sila palapit sa isa't-isa, biglang natigilan si Georgette nang mapansin niya ang isang tinted na sasakyan na nakaparada sa di-kalayuan mula sa kinalalagyan ni Clinton. Habang naglalakad ang binata palapit sa kanya na nakangiti ay napangiti na rin siya pero hindi niya maiwasang hindi tapunan ng tingin ang tinted na sasakyan lalo na at bigla itong umandar. "Clinton!" sigaw niya nang bigla ba namang pinatakbo ng kung sinumang nasa loob ang kotse at agad nitong pinatakbo at talagang puntirya nito ang binata. Buti na lang at mabilis ang kilos ni Clinton at agad siyang napaatras. Kung nagkataon na hindi siya napaatras, siguradong nahagip siya ng sasakyan. Napahinto ang sasakyan sa unahan na para bang nagmamasid sa naging reaksyon ni Clinton habang ang binata naman ay labis ang kaba na nararamdaman ng mga oras na 'yon. Makalipas ang ilang sandali ay agad ding pinatakbo ng hindi kilalang driver ang kotse nang akmang lapitan sana ito ni Clinton. Natatarantang agad na tumakbo si Georgette sa binata at sinuri niya ang kalagayan nito. "Okay ka lang? Wala bang masakit sa'yo? Hindi ka ba natamaan?" sunud-sunod niyang tanong at imbes na kabahan ay napangiti si Clinton sa naging reaksyon ni Georgette para sa kanya. Kitang-kita niya sa mukha nito ang pagkakabahala at pag-aalala para sa kanya. "Okay lang ako. Wala namang nangyaring masama sa akin," sagot naman niya. Napatingin si Georgette sa direksyon kung saan dumaan ang sasakyan. "Baliw 'yon, ah! Sino kaya 'yon?" nakakunot-noo niyang tanong. Napatingin siya kay Clinton nang ipihit siya nito paharap dito. "Okay na ako. Tara na," aya sa kanya ng binata at agad din naman siyang tumalima. Agad siyang pumasok sa kotse matapos siya nitong pagbuksan. Nakaupo na siya ng maayos pero ang utak niya ang layo-layo ng tinatakbuhan. "Ang lalim naman ng iniisip mo," puna sa kanya ni Clinton nang nakapasok na ito at nakaupo sa driver seat. Bahagya nitong inilapit sa kanya ang katawan nito saka ikinabit ng binata ang kanyang seatbelt. "Kalimutan mo na 'yon," sabi ni Clinton nang matapos niting ikabit ang kanyang seatbelt at nakahawak na ito sa manibela. "How can I forget about that. Sa tingin ko talaga, sinadya niyang gawin 'yon sa'yo," naguguluhan pa ring sabi ni Georgette. "At sino naman ang gagawa nu'n?" Napaisip ang dalaga sa tanong ni Clinton. Tama nga naman ang binata. Sino ba naman ang gagawa nu'n at bakit naman gagawin nila ang bagay na 'yon? Ano naman ang naging atraso ni Clinton sa kanila. Nang maihatid na siya ni Clinton sa kanyang bahay na tinitirhan ay hindi pa rin mawala-wala sa isipan niya ang nangyari. "May naisip ka bang tao na pwedeng gagawa nu'n kay Clinton?" tanong sa kanya ni Nikki nang tawagan niya ito sa phone at sinabi niya ang totoong nangyari. "May naisip na ako but I'm not 100 percent sure kung tama nga ba ang hinala ko." Ang mga magulang lang ni Georgette ang tanging nasa isipan niya ngayon na siyang may pakana ng lahat. Sila lang ang tanging tao na may kakayahang gagawin ang ganu'ng bagay. Pero sisiguraduhin niyang hindi makakapigil sa kanyang nararamdaman ang kanyang mga magulang dahil puso niya 'to at dapat siya ang masusunod kung sino man ang lalaking kanyang iibigin. Tulalang napatitig si Clinton sa kisame ng bahay na kanyang tinutuluyan habang nakahiga siya at nakaunan ang kanyag ulo sa dalawa niyang palad. Naalala rin niya ang sasakyan kanina na muntikan na siyang masagasaan. Alam niyang sinadya talaga iyon ng kung sino mang nagmamaneho nu'n. Pero ang tanong, bakit naman nu'n ginawa sa kanya? Ano ang naging atraso niya? Pero ang pag-aalalang 'yon ay biglang nawala nang maalala niya ang pag-aalala sa kanya kanina ni Georgette. Hindu niya akalain na ganu'n ang magiging reaksyon ng dalaga para sa kanya kaya ang pag-aalala niya kanina ay napalitan ng ngiti na nasa kanyang mga labi. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD