"There's a blood!" parang bata niyang sigaw na sinabayan pa niya ng pagtatalon-talon dahil nga sa takot.
Natatarantang napalapit sa kanya si Clinton at agad na tiningnan ang kanyang sugat. Hinawakan ni Clinton ang kanyang kamay na nasugatan at agad niya itong ginamot.
"Dahan-dahan ka kasi. Ayan tuloy, nasaktan mo ang sarili mo," nag-aalala nitong sabi na siyang nagpangiti sa kanya.
"Sorry." Napatingin sa kanya si Clinton sa kanyang sinabi.
"Sorry for what?" nagtataka nitong tanong.
"About last night..." sabi niya at natigilan du'n si Clinton, "...lasing kasi ako kaya ko 'yon nagawa."
May kung anong kumurot sa puso ni Clinton dahil sa kanyang narinig. Tama nga pala ang kanyang hinala, kalasingan lang talaga ang nagtulak kay Georgette para sabihin ang mga iyon sa kanya kagabi.
"Huwag kang mag-alala, wala 'yon," nadidismaya niyang sabi sabay talikod sa dalaga.
"Pero totoong gusto kita." Muling natigilan si Clinton sa narinig. Dahan-dahan na lumapit si Georgette sa kanya at walang anu-ano'y niyakap siya nito mula sa likuran, "...gusto kita, Clinton," sabi nito.
Dahan-dahang humarap ang binata kay Georgette saka siya nito tiningnan, "Driver mo lang ako kaya hindi ako-----"Wala akong pakialam kung driver kita o hindi basta gusto kita," madamdamin nitong sabi habang nakikipagtitigan sa kanya, "...gusto mo rin ba ako?" tanong ni Georgette.
Dahan-dahang napangiti si Clinton at walang anu-ano'y binuhat niya si Georgette at ipinatong niya ito sa mesa.
"Mahal," sabi niya sabay halik sa noo ng dalaga, "...na mahal," dagdag pa niya saka niya hinalikan sa magkabilang pisngi si Georgette, "...kita," sabi niya saka niya idinikit ang kanyang noo sa noo ng dalaga, "Mahal na mahala kita, Georgette," pabulong niyang sabi.
Napangiti si Georgette habang nakipagtitigan sa kanya. Hahalikan na sana niya ito sa mga labi nito nang biglang nangamoy ng sunog ang kanyang niluluto.
Dali-daling pinatay niya ang stove. Napatingin naman sa kanya si Georgette na nakangiti habang nakaupo pa rin sa ibabaw ng mesa. Ilang hakbang lang ang ginawa ni Clinton at tuluyan na siyang nasa harapan ni Georgette at walang babala'y inangkin niya ang mga labi ng dalaga na buong puso rin itong tumugon.
"Nababaliw ka na ba?" gulat na tanong ni Nikki kay Georgette isang araw nang ipagtapat niya rito ang estado nilang dalawa ni Clinton.
"Wala namang problema du'n," nakanguso niyang sabi.
"Anong wala? Ikaw na nga 'yong nagsabi na engaged na siya," himutok ng kaibigan, "...George, hindi kita tututulan kung sino mang lalaki ang pipiliin mo pero kapag ganyan, mapupunta ka lang sa isang lalaking ikakasal na, paano na? Anong mangyayari sa'yo? Paano kung ikakapahamak mo 'yan?" nakapameywang na pahayag ni Nikki.
"Mahal ko siya at mahal niya ako. 'Yon ang mas mahalaga."
Natahimik ang kanyang kaibigan at the same time, manager niya. Kahit pa anong gagawin ni Nikki, alam niyang mapupunta lang ang lahat. Kahit isang baldeng laway pa ang sasayangan niya sa pagpapayo sa dalaga, alam niyang kagustuhan pa rin nito ang masusunod kaya mas minabuti na lamang niya ang manahimik.
Lingid sa kanilang kaalaman, nasa labas pala si Sophie, nakikinig sa kanilang usapan. May kung anong kademonyuhan ang agad na pumasok sa isipan niya saka siya dali-daling umalis palayo.
"Miss Sophie, ito na po ang script ng bago mong dramang gagampanan," sabi sa kanya ng kanyang personal assistant na si Celine Solis. Magkasundo silang dalawa dahil na rin sa pare-pareho sila ng pag-uugali pero may kalambutan naman ang puso ni Celine kaysa sa kanya.
"Thank you," aniya saka niya tinanggap ang script. Kunwaring binubuklat niya ang script pero ang totoo wala rito ang kanyang concentration. Hindi kasi mawala-wala sa isipan niya ang kanyang narinig na usapan nina Georgette at Nikki kanina.
"Kailangan makagawa ako ng paraan para mapaalis kita, Georgette Cruz. Hindi ko hahayaang magpapatuloy ka sa unahan habang ako unti-unti nang nalilimutan," usal ng utak niya saka siya napatingin sa kaharap na salamin. Pinagmasdan niya ang kanyang sarili at ngayon pa lang nakikita na niya ang kanyang kinabukasan kapag nawala na sa kanyang landas ang dalaga.
Lulan sa sariling kotse pauwi ay hindi inaasahan ni Sophie na makikita niya ang kotse ni Jeoff na kakaparada lang nito ang kotse nitong dala sa isang night club.
May kung anong ngiting sumilay sa kanyang mga labi saka niya ipinarada rin ang kotse malapit sa kotse ni Jeoff saka pakembot pang lumakad siya papasok ng night club.
Pagkapasok niya ay agad niyang hinanap si Jeoff pero dahil sa dami ng taong nandu'n ay nahihirapan siya pero siya ang tipo ng taong hindi sumusuko hanggang sa nakita na nga niya si Jeoff na nag-iisang umiinom.
Nakangiting nilapitan niya ito at umupo pa siya sa tabi nito.
"What a coincidence, Mr. Sumail?"
Napatingin sa kanya si Jeoff at nagtataka ito kung bakit nandu'n din siya sa night club na iyon.
"What are you doing here?" takang tanong nito sa kanya. Bigla niyang kinuha ang hawak nitong baso na may lamang alak.
"Gaya nang ginagaw mo rito," aniya saka tinungga niya ang alak at binalingan niya ang bartender, "...one bottle of vodka, please," sabi niya sa bartender at agad naman itong tumalima.
Napangiti na lamang si Jeoff sa inasal ni Sophie, hindi kasi niya inakala na ang isang artista aasta ng ganito.
"Thank you," sabi ni Sophie sa bartender matapos nitong ibigay sa kanya ang kanyang hiningi.
Agad siyang nagsalin sa baso at inilapit niya ito kay Jeoff, "Cheers," sabi niya.
Kinuha ni Jeoff ang kanyang baso na bago lang din niya sinalinan ng alak at agad niya itong idinikit sa baso ni Sophie.
"Cheers," sabi rin niya saka sabay na nilang tinungga ang laman ng kani-kanilang baso.
"Refreshing," bulalas ni Sophie.
"Why are you drinking right now?" tanong sa kanya ni Jeoff.
"I just want to," sagot naman niya, "...eh, ikaw? Why are you drinking right now?"
Tinungga muna ni Jeoff ang alak na nasa baso niya saka siya sumagot, "I just want to get refreshment."
Napatitig si Sophie sa lalaking hinahangaan at pinapangarap.
"You'll be mine someday," sabi ng kanyang utak habang nakatitig sa binatang milyonaryo.
"Why are you staring at me that way?" puna nito nang hindi niya namalayang nakatunganga na pala siya rito.
Sapilitan siyang ngumiti, "Ang gwapo mo pala kapag mapagmasdan ng malapitan," sabi niya saka tinungga ang laman ng kanyang baso na alak.
"Gwapo ako?" tanong nito na para bang hindi makapaniwala.
"Oo naman! Bakit, may nagasabi bang hindi ka gwapo?"
Hindi nakaimik si Jeoff, tahimik itong itinungga ang alak mula sa sariling baso, "Bakit niya ako nakita sa ganu'ng paraan?"
Napatingin si Sophie sa binata na bigla na lamang nag-emote.
"Who? Georgette?"
Jeoff released a deep sigh but then, he chose to keep quite.
"I heard that you used to like Georgette, is that true?"
"Yeah, I do."
Napatitig muli si Sophie sa binata. Aminado siyang nasaktan siya sa narinig pero may magagawa pa ba siya para bawiin ang kanyang narinig? Pero, may naisip siyang paraan para magalit si Jeoff kay Georgette.
"I just want a confirmation about the issue about Georgette. Did you know about it?"
Napalingon si Jeoff kay Sophie na diretso lang ang tingin nito at hindi sa kanya.
"What issue?" kunot-noo niyang tanong.
Napatingin naman ang dalaga sa kanya habang lihim na nagdidiwang ang puso nito sa galak dahil pakiwari niya ay unti-unting kumakagat sa kanya si Jeoff.
"About her and Clinton, her driver."
"What about them?"
"They are in a relationship with each other. Didn't you know about it?"
Natahimik si Jeoff at sunud-sunod na pagtungga ng alak ang kanyang ginawa. Nasasaktan siya. Sa dinami-dami ng lalaking pwedeng ipalit sa kanya, bakit isang driver pa? Ganu'n na nga ba kababaw ang tingin sa kanya ni Georgette?
Palihim na ikinuyom niya ang kanyang kamao. Kung hindi man mapapasakanya si Georgette, pwes! Walang sino mang pwedeng magmamay-ari rito.
"Stop drinking. You're too drank," saway ni Sophie sa binata kahit na lasing na rin siya pero hindi nagpaawat si Jeoff, patuloy pa rin ito sa pag-inom.
"Oppss! Dahan-dahan lang," sabi ni Sophie habang inaalalayan niya si Jeoff na makapasok sa kanyang kwarto. Since hindi niya alam kung saang condo nakatira ang binata, she brought him at her place.
Pabagsak sa ibabaw ng kanyang kama ang lasing na si Jeoff.
"Akala mo hindi ka mabigat?" tanong niya rito.
Napatitig siya sa mukha nito. Hindi niya akalain na darating sa kanya ang ganitong sandali. Ang makasama sa iisang kwarto ang lalaking minamahal.
Hinaplos-haplos niya ang pisngi nito at dahan-dahan na bumaba ang kanyang kamay sa leeg nito papunta sa dibdib nito.
"This is the right time for me to make you mine," bulong niya rito saka niya dahan-dahang in-unbutton ang polo shirt na suot nito saka niya haplos-haplos ang dibddib nito na siyang nagpagising sa diwa ng binata.
Labis ang kanyang pagkabigla nang biglang hinawakan nito ang kanyang kamay. Napatingin siya sa mapupungay nitong mga mata na kasalukuyan nang nakatitig sa kanya.
"Georgette," sambit nito at walang anu-ano'y siniil nito ng halik ang kanyang mga labi.
Gusto niyang pumumiglas dahil sa pangalang lumabas mula sa mga labi nito pero saka na lang muna niya iisipin 'yon pagkatapos nang lahat.
Buong puso niyang tinugunan ang bawat galaw ng mga labi ni Jeoff until they are both naked.
After a couple of minutes, tuluyan na niyang ipinagkaloob ang sarili ng buong-buo sa lalaking iniibig.
"Georgette," paulit-ulit nitong sambit habang inaangkin siya nito. Pikit-matang dinama niya ang bawat maiinit na halik ng binata, ang bawat haplos nito sa kanyang hubad na katawan kahit pa ibang pangalan ang sinasambit nito.