Nanatiling nakamasid lamang si Clinton kau Georgette habang nilalantakan nito ang pagkaing kanyang niluto.
"Ganito pala siya kapag may problema, pagkain ang binubuntunan," sabi ng kanyang utak habang minamasdan niya ang dalaga.
"Dahan-dahan lang baka ka mabulunan," paalala niya rito pero hindi ito nakinig kaya agad siyang nagsalin ng tubig at inabot ito sa kanya dahil bigla na lamang ito nabulunan.
Agad nitong kinuha ang basong may lamang tubig na kanyang inabot rito saka agad na tinungga.
"Salamat," sabi nito matapos lagukin ang lahat ng laman ng basong hawak.
Hindi na ito muli pang kumain. Tumayo na ito saka binuksana ng refrigerator at kinuha ang ube flavor na ice cream na nandu'n at iyon naman ang nilalantakan nito.
"Teka! Masyadong matamis 'yan," awat niya rito pero hindi ito nagpaawat. Pasalampak pa itong umupo sa sofa saka binuksan ang t.v habang patuloy na nilalantakan ang dala-dalang ice cream.
"Tama na 'yan, George. Gabi na, baka makakasama 'yan sa tiyan mo," sabi niya at pilit na inaagaw ang ice cream mula rito.
"Sanay na ang tiyan ko rito," sabi nito saka tumingin sa kanya, "...lagi kasi akong kumakain nito kaya nasanay na ang tiyan ko," dagdag pa niya saka tumawa ng pagak.
Maya-maya lang ay natahimik ito at napatigil sa pagkain ng ice cream.
Muli itong tumayo at binuksan ang refrigerator saka kumuha ng isang bote ng alak at agad itong nagsalin. Dali-daling tumayo si Clinton para awatin ang dalaga pero bago pa niya ito napigilan ay naubos na nito ang laman ng basong hawak nito.
Muli itong nagsalin ng alak sa baso, pinigilan na ito ni Clinton pero hindi pa rin ito nagpaawat, agad nitong nilagok ang laman ng baso at muling sumalampak sa ibabaw ng sofa.
Napailing-iling na lamang si Clinton saka muling napaupo sa upuang inuupahan kani-kanina lang.
"Noong gusto kong mag-artista, pinigilan nila ako dahil hindi raw nababagay sa akin ang ganu'ng mundo. Nararapat daw sa akin ang mamuhay ng mala-prinsesa kaya ninanais nilang makasal ako sa isang mayaman kahit na may pera naman sila at umabot pa sa punto na ikinulong nila ako para lang hindi ako makapunta sa taping ko pero dahil sa tumakas ako, napapayag ko na rin sila..." Napasigok ito habang nagsasalita at ramdam ni Clinton na nagpipigil lang ang dalaga pero kahit anong pagpipigil nito ay napatulo pa rin ang mga luha nito, "...akala ko ba, hahayaan na nila ako sa magiging desisyon ko para sa sarili kong buhay pero bakit pinakikialaman pa rin nila pati na ang lalaking gusto kong makasama habang buhay, gusto nila sila pa rin ang masusunod," humihikbi nitong sabi saka muling kumain ng ice cream pero agad din itong pinigilan ni Clinton.
Napatingin sa kanya si Georgette habang may luha ang mga mata nito, "Ayaw ko sa lalaking gusto nila para sa akin. Ayaw kong magpakasal sa Sumail na 'yon," himutok ng dalaga. Bahagya siyang lumapit dito saka dahan-dahan niyang isinandal ang ulo nito sa kanyang dibdib.
"Tahan na," tanging salitang namutawi mula sa kanyang mga labi saka niya bahagyang hinagud-hagod ang kaliwang braso nito.
"Alam mo ba kung bakit ayaw kong magpakasal sa lalaking 'yon?" tanong ng dalaga saka ito tumingala kay Clinton. "Dahil may gusto na akong iba," sagot nito habang nakatingala sa kanya. Napatitig siya sa dalaga at ganu'n na rin ito sa kanya.
"Gusto mo bang malaman kung sino?" mapupungay ang mga matang tanong nito sa kanya.
Gusto ba niyang malaman kung sino ang lalaking maswerte nagustuhan ng babaeng gusto niya? Paano kung ibang pangalan ng lalaki ang lalabas sa bibig nito? Kakayanin kaya niya? Sabagay, isang hamak na driver lang siya sa mga mata nito kaya impossibleng magugustuhan siya nito at isa pa, para sa mga mata ng mga taong hindi siya kilala, hindi siya nababagay sa dalaga dahil sa inakala ng mga ito na estado niya sa buhay, napakalayo kung ikukumpara sa buhay ni Georgette.
"S-sino?"
Tanggap na niya ang katotohanang impossible siyang magustuhan ni Georgette. Tanggap na niya kung sakali mang ibang pangalan ang nakatatak sa puso ng dalaga.
Dahan-dahang itinaas ni Georgette ang kanyang kaliwang kamay at inilapat niya ito sa kaliwang dibdib ni Clinton.
Agad namang napatingin ang binata sa palad ni Georgette nang maramdaman niya ang paglapat nito sa kanyang dibdib.
"Ang nagmamay-ari ng pusong 'to," mahina niyang sabi pero dinig na dinig naman ni Clinton. Napatingala sa kanya si Georgette kaya nagkasalubong ang kanilang mga mata, "...gusto ko ang lalaking nagmamay-ari ng pusong 'to," ulit pa nitong sabi.
Napaawang ang mga labi ni Clinton sa narinig. Hindi siya makapaniwala na siya ang lalaking gusto ng babaeng gusto niya. Ang puso niya biglang bumilis ang pagtibok, biglang nagkagulo ang pagpintig. Natigagal siya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin, kung ano ang sasabihin. Pakiramdam niya, wala siyang ibang naririnig maliban sa boses ng dalaga nang aminin nito na siya ang gusto nito. Kung sakali mang nanaginip lang siya, ayaw na niyang magising pa dahil masyadong maganda ang panaginip na 'to.
Bigla na lamang siyang bumalik sa katinuan nang biglang inilayo ni Georgette ang sarili nito mula sa pagkakasandal sa kanya at walang anu-ano'y ikinulong nito gamit ang dalawa nitong palad ang kanyang magkabilang pisngi.
"Kung may lalaki man akong pakakasalan, hindi si Jeoff 'yon kundi ikaw," mapupungay ang mga matang pahayag nito. Alam ni Clinton, kalasingan ang nagtulak sa dalaga para sabihin ang lahat nang 'yon pero aminado siya sa kanyang sarili na talagang lumulukso ngayon sa tuwa ang kanyang munting puso.
Napatitig siya sa mga mata ng dalaga at nakipagtitigan din ito sa kanya. Nag-uusap ang kanilang mga mata.
Hindi pa nakabawi sa pagkagulat si Clinton ay muli na naman siyang nabigla nang walang babalang bigla na lamang inilapat ni Georgette ang mga labi nito sa kanyang mga labi.
Nanlaki ang kanyang mga mata pero makalipas ang ilang sandali ay nagawa pa rin niya ang mapapikit habang nanatiling nakalapat ang mga labi ng dalaga sa kanyang mga labi.
Habang magkadikit ang kanilang mga labi ay walang tigil ang pagbilis ng pagtibok ng kanyang puso. Para tuloy siyang nabibingi sa sobrang lakas ng pagtambol ng kanyang dibdib.
Napangiti si Georgette nang maghiwalay ang kanilang mga labi habang nakatitig ito sa kanya.
Napatitig siya kay Georgette at hindi niya napigilan ang sariling mapatingin sa mga labi nito. Nakakaakit. Nag-aanyaya. Nanggagayuma! Minsan lang dumating sa buhay niya ang ganitong moment, kasalanan ba kung gusto niya itong damhin ngayon hangga't magagawa pa niya?
"Gusto kita, Clinton."
Kung may natitira pa mang katinuan sa katauhan ni Clinton ng mga oras na 'yon ay tuluyan nang nawala dahil sa huling sinabi ng dalaga.
Walang anu-ano'y hinila niya ang isa kaliwa nitong kamay palapit sa kanya saka niya ikinawit ang isa ang kanyang kanang kamay sa leeg nito at walang babalang inangkin niya ang mga labi ng dalaga kasabay ng kanyang pagpikit. After a couple of seconds ay dahan-dahang iginalaw ni Clinton ang kanyang mga labi.
Napamulat siyang bigla nang maramdaman niya ang pagtugon ng dalaga pero muli rin siyang pumikit.
Hinapit niya ang beywang ng dalaga hanggang sa napaupo ma ito sa kanyang mga hita without interrupting their kissing moment.
Ang mga kamay ni Clinton na kanina lang ay nakahawak sa kamay ng dalaga ay nakayakap na ito sa beywang ni Georgette at nakapulupot naman sa kanyang batok ang mga braso ng dalaga while they're having their intimate moment together.
Init na galing sa sinag ng araw na tumatama sa balat ni Georgette ang nagpagising sa kanya kinaumagahan. Napatingin siya sa paligid, nasa loob siya ng kanyang sariling kwarto at bigla siyang napabalikwas ng bangon nang maalala niya ang nangyari kagabi. Napasilip siya sa kanyang sariling katawan at ganu'n na lamang ang paghinga niya ng malalim nang makita niyang balot na balot pa rin siya ng damit na isinuot niya mula pa kahapon, ibig sabihin nu'n, walang nangyari sa kanilang dalawa ni Clinton.
Unti-unting namumuo ang ngiti sa kanyang mga labi dahil sa isiping hindi mapagsamantalang tao ang binata dahil kung nagkataong ibang lalaki 'yon kagabi, siguradong pinagsamantalahan na ang kanyang kalasingan kagabi. Hindi kasi siya sanay sa alak kaya nakailang tungga lang siya ay agad siyang tinamaan.
Napasinghot siya nang may mabango siyang naamoy. Dali-dali siyang bumangon at sinundan ang mabangong amoy hanggang sa nakarating siya sa kanyang kusina at mula sa gilid ng pinto, napasilip siya at nakita niya ang lalaking gusto niya na nagluluto.
Gwapong-gwapo ito habang abala sa paghihiwa ng mga lulutuin. Kahit pa nakasuot ito ng apron ay makikita pa rin ang kakisigang taglay nito. Hindi niya tuloy maiwasang mapatulala habang nakamasid sa binata.
Agad naman siyang napatago nang bigla itong napatingin sa kanyang kinatatayuan.
"Gising ka na pala," sabi nito kaya wala na siyang nagawa pa kundi ang lumabas na lamang.
"A-anong ginagawa mo?" nahihiya niyang tanong sa binatang nakayuko at naka-focus sa ginagawa.
"Nagluluto," maikli nitong sagot.
Umupo siya sa upuang kaharap nito saka maigi niyang minasdan ang binata sa ginagawa nito.
"Kailangan mo ng tulong?" tanong niya pagkaraan pero ang totoo, iba talaga ang gusto niyang sabihin dito pero hindi niya alam kung papaano sisimulan.
Hindi pa man nakasagot si Clinton ay agad na siyang lumapit rito saka tumulong sa paghahanda ng mga lulutuin. Dali-dali niyang kinuha ang kutsilyo saka hiniwa ang carrots na nasa harapan.
"My god!" sigaw niya nang biglang nadupilas ang kutsilyo at imbes na ang carrots ang hihiwain niya, ang kanyang daliri ang kanyang nahiwa.