Chapter 5

1580 Words
"What are you doing?" tanong ni George kay Clint nang nanatili itong nakatayo sa tapat ng kotse matapos siya nitong pagbuksan. Napatingin sa kanya ang binata na nagtataka. "Heto, nakatayo," sagot nito. "What I mean is, bakit nakatayo diyan? Hindi ka ba papasok?" Tanong niya uli. "K-kailangan pa ba akong pumasok? Baka kasi----" Hindi na naituloy pa ni Clint ang iba pa sana niyang sasabihin nang bigla siyang hinawakan ni George sa kamay at bahagyang hinila papasok ng bahay nila. Family dinner nila ngayon kaya ayaw sana ni Clint ang pumasok dahil wala naman siyang connection sa mga ito pero may magagawa pa ba siya lalo na at hawak-hawak ng babaeng gusto niya ang kanyang kamay? "George?" salubong sa kanya ng kanyang ina na si Elizabeth. "Good evening po, Mom," bati niya rito. "Good evening din," sagot ng kanyang ina. Napatingin si George sa amang si Gregor na nakaupo na rin habang nakamasid ito sa kanya. Nilapitan niya ang ama saka siya nagmano. "Good evening, Dad," aniya sabay mano ngunit hindi ito sumagot sa kanya sa halip ay itinuro nito sa kanya ang kanyang upuan. "Umupo ka na," sabi nito. Hanggang ngayon, malamig pa rin ang pakikitungo sa kanya ng kanyang ama dahil simula't-sapol pa lang ay hinindian na nito ang kanyang pag-aartista. Pero, wala pa ring nagawa ang mga ito dahil nga nasa pag-a-acting ang kanyang puso. Si Clinton naman ay naiwan sa kanilang sala dahil nga nahihiya siyang makikisawsaw sa family dinner nila. Abala sa pagmamasid si Clinton sa mga portrait na nakasabit sa pader ng bahay nina Georgette. Maganda ang kanilang bahay, mayaman na mayaman. Malaki at talagang elegante ang dating. Habang abala siya sa pagmamasid ay may narinig siyang kotseng kapaparada lang at maya-maya ay bumukas ang pinto at iniliuwa iyon ng katiwala sa bahay na 'to at ang hindi niya inaasahang panauhin nina Georgette. Si Jeoff Sumail! Napatingin sa kanya si Jeoff pero saglit lang saka na ito tumuloy sa dining area nina Georgette. "Dito po, sir," sabi ng katiwala kay Jeoff. Napakunot ang noo ni Clinton kung bakit andito si Jeoff ngayon. "Family dinner nina Georgette ngayon pero bakit nandito si Jeoff?" tanong ng kanyang isipan. Alam kasi niya kung anong klaseng pagtingin ang mayroon si Jeoff para kay Georgette kaya tuloy, hindi na mapalagay si Clinton sa kanyang kinalalagyan. "You're here, hijo." Napatingin si Georgette sa kararating lang na panauhin at ganu'n na lamang ang kanyang pagtataka ang hindi niya inaasahang pagsulpot doon sa family dinner ng kanyang pamilya. "Hello po, Tita, Tito," bati nito sa kanyang mga magulang. Tumayo ang kanyang ama saka nito ipinaghila ng upuan si Jeoff sa kanyang tabi at magalang namang umupo ang binata. "Thank you, Tito," nakangiti nitong sabi. Napalingon sa kanya si Jeoff at nakatingin siy rito na para bang humihingi ng paliwanag kung bakit siy narito. "Georgette, alam namin ng Papa mo na kilala mo na kung sino si Jeoff. Siya ang kaisa-isang-----"Anong ginagawa mo dito?" agad niyang tanong kay Jeoff at ni hindi man lang niya pinatapos sa pagsasalita ang kanyang ina. "Georgette!" awat ni Gregor sa anak. "It's okay, Tito," kalmadong saad nito sa kanyang ama. "I was invited by your parents to join your family dinner. Is there something wrong with it?" baling nito kay Georgette. "Didn't you understand what family dinner mean is? Do you want me explain it further for you to understand it well?" naiinis niyang tanong. "Stop it, Georgette!" sigaw ng kanyang ama, "...matuto ka namang mahiya," dagdag pa nito kaya galitna binalingan niya ang ama. "Mahiya? Ako pa ang dapat mahiya? Hindi ba siya ang dapat mahiya because he is not a member of this family but still he has a courage to join our family dinner," galit na galit na niyang sabi. Hindi kasi niya makalimutan ang inasta nito noong nag-dinner sila. "He is! He is a member of this family now!" Napakunot ang noo ni Georgette sa narinig galing sa ama habang si Elizabeth naman ay pilit n pinapakalma ang asawa. "What do you mean?" nagtatakang tanong ni Georgette sa ama pero hindi ito sumagot. Napalingon siya kay Jeoff pero wala rin siyang natanggap na sagot kaya ang ina niya ang kanyang binalingan. "Mom, what is this all about?" naguguluhan pa rin niyang tanong sa ina. "Your father and I are made a decision to choose a man for you," pagsisimula ng ginang. Napaawang ang mga labing napatingin si Georgette kay Jeoff. "Don't tell me..." Hindi niya kayang tapusin ang nais sasabihin dahil kahit nasa isip pa lang niya ay nasusuka na siya paano na lang kaya kapag naisatinig na niya ito. "Yes, he was the one we chose for you." Lalong napaawang ang mga labi ni Georgette sa narinig, "...he is your fiance," dagdag pa ng ginang. Galit na tumayo si Georgette at palipat-lipat ang tingin na ipinukol niya sa mga magulang. "You chose a man to be my husband without my knowledge?" hindi niya makapaniwalang tanong at sunod-sunod na pagak na tawa ang kanyang pinakawalan, "...are you out of your mind, Mom, Dad?" "Nakapagdesisyon na kami ng Daddy mo and it's already fixed. Sooner or later, Jeoff will be your husband so from now on, you need to be close to each other para makapagpalagayan na kayo ng loob habang maaga pa," mahabang litanya ng ina na siyang lalong nagpainis kay Georgette. "And do you think, I will do what you want me to do? Hindi niyo ba inisip ang mararamdaman ko, Mom?" mangiyak-ngiyak niyang sabi. "There's nothing you can do about it dahil desidido na kami na ipapakasal ka kay Jeoff," matigas na tugon ng kanyang ama. "I'm not...going...to marry this man," matigas rin niyang sabi sabay tingin kay Jeoff na kasalukuyan na ring nakatingin sa kanya, "...no matter what will happen, I'm not going to marry him!" pasigaw niyang sabi saka siya umalis sa dining area pero bago pa siya nakaalis ay muling nagsalita ang kanyang ama. "Wether you like it or not, magpapakasal ka sa kanya!" sigaw ng kanyang ama.  Matapang na hinarap niya ito na may luha na ring tumutulo sa kanyang mga mata. "Do you still remember what had you done to me before when I really want to be an actress?" tanong niya habang tumutulo ang kanyang mga luha,"...pinigilan niyo ako 'cause you want me to manage your business kahit na ayaw ko tapos ngayon, you still want to interfere with my love life? Pati ba naman 'yon, Dad pakikialaman niyo na rin? Hibdi ako papayag sa gusto niyong mangyari!" Napatayo sa galit si Gregor dahil umatake na naman ang pagiging matigas ng kaisa-isa niyang anak. "At anong gusto mo, diyan ka sa driver mo makikipaglampungan? Akala mo, hindi naman alam? Mahiya ka naman, Georgette! Bigyan mo naman kahit konting kahihiyan ang pamilyang 'to," litanya ni Gregor. Napatingin sa kanya si Jeoff dahil sa sinabi ng kanyang ama. "Walang masama sa pagiging dtiver," matapang niyang sagot sa kanyang ama saka niya binalingan si Jeoff na hindi na rin makapaniwala sa nalaman, "...masama ako sa isang driver at kahit kailan hindi mo siya mapapantayan," nakataas ang kilay na sabi niya kay Joeff na alam niyang nagpipigil lang ito ngayon. Sino ba naman kasi ang hindi magagalit kung sa isang driver ka lang ipapalit. "Georgette!" sigaw ng kanyang ama. "Anak?" sambit na rin ni Elizabeth. "Just do whatever you want to do but you can't force me to marry this man," sabi niya saka tuluyan nang lumabas ng dining area. "Georgette!" tawag sa kanya ng kanyang ama pero hindi na niya ito pinansin pa. Mabibilis ang hakbang na ginawa ni Georgette palabas ng dining area habang tumutulo ang kanyang mga luha. Nagtatakang napatayo si Clinton nang makita siya nito. "Anong nangyari?" agad nitong tanong sa kanya pero hindi siya sinagot. Sinundan siya ng kanyang mga magulang pati na ni Jeoff hanggang sa sala. "Georgette!" muling tawag sa kanya ni Gregor pero imbes na sagutin ang ama, she grabbed Clinton's hand at bahagya niy itong hinila palabas. Naguguluhang agad na dinampot ni Clinton ang kanyang leather jacket at napasunod sa dalaga at saglit pa niyang sinulyapan ang mga magulang nito. Agad silang pumasok sa kotse nang tuluyan na silanf makalabas. "Please, take me somewhere," she said to Clinton hopelessly while her tears are keep on falling down on her cheeks. Agad na pinasibad ni Clinton ang kotse palayo. Habang nasa daan ay hindi niya maiwasang sulyapan ito nang tingin. Nakatingin sa labas ng kotse si Georgette. Sobra nitong tahimik at sadyang nanibago si Clinton sa inasal ngayon ng dalaga. Alam rin ng binata na umiiyak ito nang lihim. Sa tabing-dagat niya dinala ang dalaga. Nakahinto na sila pero mukhang walang balak lumabas ng kotse si Georgette kaya nag-isip ng paraan si Clinton. "Alam mo ba, kapag may problema ako, sinasabi ko ito sa dagat?" Napalingon sa kanya ang dalaga. Dahan-dahan niyang itinaas ang kanyang kamay at pinahid ang mga luha nito gamit ang kanyang hinlalaki. "Gusto mong subukan?" tanong niya rito nang matapos niyag punasan ang mga luha nito. "Isigaw ko kung iyon lang ang tanging paraan para mapagaan mo ang mabigat mong kalooban ngayon." Dahan-dahang lumakad palapit sa tubig si Georgette at saka sumigaw na halos nagsilabasan na ang lahat ng litid sa kanyang leeg. "Bakit niyo 'to ginagawa sa akin?!" umiiyak niyang simula, "...bakit hindi ako malayang gawin ang gusto ko?! Ano bang kasalanan ko?! Bakit niyo 'ko ginaganito?!" Dahan-dahang nilapitan ni Clinton ang dalaga habang sumisigaw pa rin ito sa galit at umiiyak. Hinawakan niya ito sa braso at agad naman itong napalingon sa kanya habang luhaan ang mga mata nito. Labis ang pagkabigla ni Clinton na ang sumunod na eksena ay ang biglang napayakap sa kanya si Georgette habang humahagulhol ng iyak. Hinagod-hagod naman niya ang likod nito para kahit papaano'y mapagaan niya ang kalooban nito kahit pa nagkakagulo na ang pagpintig ng kanyang puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD