Agad tinakpan ni George ang kanyang tainga sa biglaang pagsigaw ni Nikki.
"See? Kaya dapat ngayon, itigil mo na 'yang katangahan mo. I will find a new driver for you and I'll ----"If you do that, magagalit ako sa'yo," putol niya sa iba pa sanang sasabihin ni Nikki.
"George."
"I promise, hindi ako gagawa ng mga bagay na ikasasama nating lahat basta don't fire him, okay?" parang bata niyang pakiusap at niyakap pa niya ang braso nito para lang talaga pumayag.
"Okay," matipid nitong sagot.
"Yes! Thank you," masaya niyang sabi saka niya hinalikan sa pisngi ang kanyang manager at tumakbo paalis.
"See you tomorrow," sabi pa niya habang tumatakbo palapit kay Clint. Napailing na lamang si Nikki sa inasta ng dalaga.
"I want Ms. Cruz to be a model of our new product."
Narinig ni Sophie na sabi ng manager ng isa sa mga kilalang kompanya. Alam niya ang tungkol sa product na 'yon and she was expecting na sa kanya mapupunta ang project na 'yon but she was wrong dahil si George pa rin pala ang gusto nito.
"Okay. That's not a problem, Mr. Gonzales," nakangiting sabi ng kanilang agency.
Lihim na ikinuyom ni Sophie ang kanyang kamay sa sobrang inis.
"May oras ka rin sa akin, Georgette," galit na usal ng kanyang isipan.
"Paano ba 'yan? Mukhang lahat na yata ng project napupunta kay George," ani ni Celine, ang kanyang assistant nang makabalik na siya sa kanyang dressing room.
"Oras niya ngayon. Sisiguraduhin kong bukas-makalawa, sa akin na," sabi niya habang nakatitig siya sa kanyang sarili sa harap ng salamin.
Tahimik na pinagmamasdan ni Clinton si George habang kumakain ito ng gummy bear habang hinahalungkat nito ang kaharap nitong laptop at nakasalampak sa sahig. Siya naman ay nakaupo sa sofa na nasa gilid ng dalaga.
Nagpaalam na sana siya kanina para umuwi pero nakiusap itong samahan muna siya sandali dahil hindi pa naman daw ito inaantok.
Dahil sa kagustuhang makasama pa ng matagal ang babaeng pinipintig ng kanyang puso ay hindi na siya nagdadalawang-isip pa, agad siyang pumayag.
"Blue. Gusto pala niya ng blue?" usal ng kanyang isipan habang nanatili siyang nakamasid dito.
Palihim na kinukunan niya ito ng pictures para kahit papaano may alaala siya kung sakaling hindi na siya pwedeng bumalik pa rito para makasama ito.
"Gusto mo ba ako?" Nagulat siya sa biglaang pagtanong ni George habang nakatuon pa rin sa kaharap na laptop ang atensyon nito.
"B-bakit mo natanong 'yon?" nagtataka niyang tanong habang pasimple niyang itinago sa kanyang likuran ang kanyang phone.
Lumingon sa kanya si George sabay lahad sa kanang palad nito sa kanya na para bang may hinihingi.
"A-ano?"
"Yong phone mo. Akin na," sabi nito habang nakalahad pa rin ang palad nito, "Alam kong kinunan mo ako ng pictures. Akin na."
"H-hindi kita kinunan ng pictures, nuh," pagsisinungaling pa niya habang lalo niyang isiniksik ang phone sa kanyang likuran.
"Bigay mo nga sa akin ang phone mo," pagpupumilit pa nito. Pero, talagang walang balak ang binatang ibigay ang kanyang phone dahil baka mabisto na siya ni George, "...kung hindi mo'ko kinunan ng pictures, why don't you want to give your phone to me?" tanong nito habang dahan-dahan na tumayo at lumakad palapit sa kanya.
Sa ginawang paglapit ni George ay lalong naalarma si Clinton. Alam niyang mabibisto talaga siya kapag makuha nito ang kanyang phone.
"Privacy. Privacy ang kailangan ko," sabi niya na siyang nagpahinto sa dalaga. Mapaismid naman si George sa kanyang tinuran. Patikhim-tikhim pa siya bago nagsalita uli, "...hindi ba...hindi ba bawal ang halungkatin ang gamit ng iba kung walang permiso galing sa may-ari?" dagdag pa niya.
Hindi umimik ang dalaga. Dahan-dahan itong pumihit patalikod sa kanya at nakahinga naman ng maluwag si Clinton doon. Dahan-dahan niyang inilabas ang kanyang phone mula sa kanyang likuran at ang plano'y isuksok ito sa bulsa ng sout niyang pants. Pero labis ang kanyang pagkabigla nang biglang dinakma ni George ang kamay niya na may hawak ng kanyang phone.
"Ibigay mo," sabi pa nito habang pinipilit na agawin mula sa kanya ang phone niya.
"Hindi pwede," sabi din niya saka agad na hinablot ang kamay niya na hawak nito saka inilayo ito sa dalaga.
"Ibigay mo," pautos nitong sabi habang pilit na inaabot ang kanyang kamay.
"Privacy nga," sabi pa niya saka niya itinaas ang kanyang kamay sa bandang likuran niya habang nakasandal siya sa sofa.
Matalim na tingin ang ipinukol ni George sa kanya.
"Alam ko, palusot mo lang 'yang privacy mong 'yan para hindi ko na kukunin ang phone mo," sabi nito at walang anu-ano'y dinaganan siya nito. Bahagya itong nakaupo sa kanyang mga hita habang ang mga tuhod nito ay nakatukod sa makabila niyang gilid.
Napayakap ni Clinton ang kanyang kaliwang kamay sa beywang ni George habang ang isa niyang kamay ay nakataas na may hawak sa phone niya.
Ang kanang kamay ni George ay nakatukod sa sofa sa left side ng kanyang mukha habang ang kaliwa nitong kamay ay pilit na inaagaw ang hawak niyang phone.
Nagkadikit ang kanilang mga katawan. Amoy na amoy niya ang pabangong ginagamit nito araw-araw. Natigilan siya. Natulala. Biglang nagkagulo ang pagpintig ng kanyang puso. Pakiramdam niya, saglit na tumigil sa pag-inog ang kanyang mundo. Malalim na hininga ang lihim na kumawala mula sa kanya.
"Ibigay mo sabi." Pinipilit na abutin ni George ang phone ni Clinton. Nang mahawakan na niya ang phone ay saka lang niya napansin ang pagkatigagal ng binata. Agad siyang napayuko sakto na siya ring pagtingala ni Clinton sa kanya. Nagkasalubong ang kanilang mga mata. Nagkatitigan sila. Kapwa silang natigilan lalo pa at halos isang dangkal na lamang ang agwat ng kanilang mga labi at wala nang space ang namamagitan sa kanilang mga katawan.
Napalunok si Clinton ng paulit-ulit. Pinangarap niyang makasama at makita ang babaeng mahal niya pero hindi niya inaasahang mangyayari ang ganitong eksena sa pagitan nilang dalawa.
Walang tigil sa pagkabog ang kanyang dibdib. Para tuloy siyang nilalagnat sa sobrang init ng pakiramdam lalo pa at nakita niyang napatingin ang dalaga sa kanyang mga labi.
Ang kamay niyang nakayakap sa beywang nito ay dahan-dahang gumalaw paitaas habang nakatitig pa rin sila sa isa't-isa.
Hindi na rin maipaliwanag ni George ang nararamdaman. Kinakabahan siya. Kinikilig! Nae-excite. Sa totoo lang, gusto niyang halikan ang binata. She wants to taste his lips right now but out of nowhere, she remembered what she has promised to Nikki.
"I promise, hindi ako gagawa ng mga bagay na ikasasama nating lahat basta don't fire him, okay?"
Agad siyang napabitaw sa kamay ni Clinton na hawak-hawak niya saka siya agad na umalis mula sa pagkakadagan niya rito.
Napaupo siya sa tabi ng binata habang nakapatong sa sofa ang dalawa niyang paa.
"S-sa'yo na 'yan. H-hindi ko na 'tan kailangan," pautal-utal niyang sabi saka dali-daling bumaba ng sofa at mabilis na bumalik siya sa kanyang inuupuan sa harap ng kanyang laptop. Bahagya niyang tinapik-tapik ang kanyang pisngi dahil pakiramdam niya, sobrang init na nito.
Nagpakawala na malalim na hininga si Clinton saka niya dahan-dahang ibinaba ang kanyang kamay na may hawak ng kanyang phone. Hindi pa rin humuhupa sa pagkabog ang kanyang puso. Buti na lang at agad natauhan si George dahil baka ano pa ang kanyang nagawa na hindi dapat. Dali-daling tumayo siya at lumakad palapit sa dalaga na halata pa rin ang tensyong nadarama.
"U-uwi na ako. M-masyado na kasing gabi," natatarantan pa rin niyang paalam. Tumangu-tango ang dalaga at hindi man lang siya nito tiningnan.
Mabilis ang mga hakbang na tinungo ni Clinton ang pintuan at saka agad na lumabas. Pagkasara na pagkasara niya sa pinto ay sunud-sunod na malalalim na hininga ang kanyang pinakawalan. Napahawak siya sa kanyang kaliwang dibdib. Paulit-ulit na bumabalik sa isipan niya ang eksena na kani-kanina lang nangyari. Naalala niya ang mga labi ng dalaga na kanina lang ay natitigan niya. Agad siyang napailing saka dali-daling umalis.
Napasigaw si George nang tuluyan nang nakaalis si Clinton. Isinubsob niya ang kanyang mukha sa mesa kung saan nakapatong ang kanyang laptop.
"Nakakahiya ka, George," sabi niya sa sarili. Umayos siya sa pagkakaupo, "...ano na lamang ang iisipin niya sa'yo? Ahhhhh." Muli niyang inilapat ang kanyang mukha sa mesa saka siya biglang napaayos muli sa kanyang pagkakaupo nang maalala ang nangyari kanina.
"Kung hinalikan ko kaya siya? Magagalit kaya siya? Iiwas kaya siya?" Parang batang muli niyang inilapat ang mukha sa mesa.
"Natural. Engaged na siya, eh. Baka nga iisipin pa nu'n, easy to get akong klaseng babae," sagot rin niya sa kanyang sariling tanong.
"Your mother called me last night na may family dinner daw kayo mamaya," bungad ni Nikki kay George kinabukasan nang madatnan siya nito sa loob ng sasakyan habang inaayusan siya ng kanyang make-up artist para sa taping na gagawin.
"Why didn't she call me?" tanong niya rito.
"She did pero halos malo-lowbat na ang batterya niya, you never tried to pick up her call," sagot naman kaagad ni Nikki, "...did you do some foolish things last night kaya hindi mo nasagot ang tawag ng 'yong ina?"
Natigilan si George sa tanong ni Nikki. Naalala niya ang nangyari kagabi. Ang titigan portion nina Clinton. Pero siya si George, magaling sa kunwarian.
"W-wala, nuh! N-nakatulog lang ako nang maaga kagabi dahil sobra akong napagod sa taping na ginawa natin kahapon," palusot niyang sagot.
"Okay, sabi mo, eh."
Nakahinga naman siya nang maluwag dahil parang napaniwala naman niya ang manager.
"Kinakabahan ako sa family dinner na 'yan," sagot pa niya. Napatingin sa kanya si Nikki na mukhang nag-iisip din.
Kadalasan kasi kapag may family dinner sila ay may importanteng announcement ang kanyang pamilya na maaaring may connection ito sa kanya pero ano naman kaya 'yon?