Chapter 3

1540 Words
"Hmmm," sagot nito at sinabayan pa ng pagtango nang paulit-ulit. "Ahh..." dismayado niyang sabi, "...hindi ba parang pangit naman isipin ang..." Hindi niya magawang ituloy ang sasabihin dahil nakaramdam tuloy siya ng awkwardness. "Ang?" tanong ni Clint. "Ang ginagawa natin ngayon. Paano kapag nalaman 'to ng fiancee mo, siguradong sasabog 'yon sa galit," nakayuko niyang sabi. Hinintay niya ang sagot nito. Gusto niyang marinig na wala siyang dapat na ikatakot, gusto niyang marinig na hindi niya mahal ang pakakasalan nito pero nabigo lang siya. "I'm already engaged." Bumabalik-balik sa utak ni George ang sinabi ni Clint kaya dahil doon, napakailap na sa kanya ang pagkaidlip. Napabalikwas siya ng bangon at idinikit niya ang kanyang palad sa kanyang kaliwang dibdib. "Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit ako apektado? Eh, ano naman ang pakialam ko kung engaged na siya?" naguguluhan niyang tanong sa sarili, "...hindi kaya...hindi pwede!" Napapiksi siya sa kanyang naisip. "Do I have a feelings for him?" Sa wakas ay naisatinig na rin niya ang tanong sa sarili na kanina pa sa kanya gumugulo. Pabaling-baling siya ng higa para lang dalawin ng antok habang si Clint naman sa loob ng bahay na kanyang inuupahan ay karamay ang alak dahil sa totoo lang, hindi rin siya inaantok. Sa tuwing ipipikit kasi niya ang kanyang mga mata, nakangiting mukha naman ni George ang kanyang natatanaw. Natural lang siguro sa kanya ang ganu'ng bagay lalo na at aminado siyang tinamaan talaga siya sa kagandahang taglay ng dalaga. Sa isang orphanage niya unang nakita si George. Since mahilig sa mga bata ang dalaga, malimit itong pumupunta sa isang orphanage tuwing weekend para magbigay ng saya sa mga batang nawalan ng mga magulang. Dahil nga panata na ng kanilang pamilya ang mag-donate ng tulong sa mga orphanage every year-end. Hindi naman talaga siya mahilig sumama sa mga ganu'ng lakad pero nu'ng panahon na iyon ay talagang full of energy siyang sumama kaya lang talagang hindi siya mismo ang nagbibigay ng tulong. Nanonood lamang siya sa loob ng kanyang sasakyan kaya lahat ng mga tinutulungan nila'y sa pangalan lamang siya kilala pero sa mukha, hindi. Nagkataon na ang panghuling orphanage na kanilang pinuntahan ay ang orphanage kung saan madalas pumunta si George at nu'ng mga oras na iyon ay nandoon rin si George kasama si Nikki. Habang abala ang kanilang mga tauhan sa pamamahagi sa kanilang tulong ay nahigap naman ng mga mata ni Clint ang papaalis na si George. Dali-dali pa nga siyang lumabas ng kotse para lang habulin ang dalaga pero hindi na niya ito naabutan dahil nakaalis kaagad ang sasakyan nito. Bago sila umuwi ay inutusan muna niya ang isa sa kanyang mga tauhan ang magtanong-tanong tungkol sa dalaga at doon na niya nalaman ang pangalan ni George. Doon na rin niya nalamang sikat itong artista. Hindi kasi siya mahilig sa industriyang ginagalawan ni George kaya never niyang sinasayang ang kanyang oras sa mga bagay na sa tingin niya noon ay walang kwenta pero nang makilala niya si George ay doon na siya nagkakainteres na manood ng t.v, nang mga news at magbasa ng diyaryo kung saan ang topic ang tungkol sa dalaga. Lihim niyang hinahangaan si George pero wala siyang lakas na loob para iparating sa dalaga ang kanyang nararamdaman lalo na at may babae nang napili ang kanyang mga magulang para pakakasalan niya. Pero dahil sa pagnanais na kahit saglit lang bago siya ikasal ay maranasan naman niya kung ano ang pakiramdam na nasa tabi ng taong minamahal kaya nagkunwari siyang driver at nagsinungaling siya sa mga magulang niya. Ang dahilan niya sa pag-alis nila sa kanila ay gusto lang niyang pagsawaan ang pagiging binata niya bago siya magpapakasal dahil alam niya na kapag kasal na siya, wala na siyang kalayaan pang gawin ang mga bagay na gusto niyang gawin at dahil naiintindihan siya ng mga magulang ay pinayagan naman siya ng mga ito, nagkataon ding naghahanap ng bagong driver si George kaya wala na siyang pinalagpas na pagkakataon. Dahil kumampi sa kanya ang tadhana, agad siyang natanggap na siya namang lihim niyang ipinagbunyi. "I love you," lasing niyang sabi habang nakatitig siya sa picture ni George na nasa phone niya saka niya ito hinalikan at dahan-dahang bumagsak ang kanyang ulo sa sofa habang nakaupo siya sa sahig. Nakatulog siya sa ganoong sitwasyon. "Hi, George," bati ni Sophie Cartava sa kanya. Si Sophie ay kapwa niya artista. 28 years old at mas nauna pa ito kaysa sa kanya pagdating sa aktingan. Nauna itong sumikat pero nu'ng namayagpag ang pangalan niya ay unti-unting nawawala at nalilimutan ang ibang tao si Sophie na siyang dahilan para lihim itong magalit sa kanya. Lingid sa kanyang kaalaman, kaplastikan lang ang tanging pakikitungo nito sa kanya. Malaki ang pagkakagusto nitong mawala siya sa industriya upang sa ganu'n hawak nito uli ang kasikatan. Dahil na rin sa kabaitang taglay ni George, hindi niya pinagdududahan ang pakikitungo sa kanya ni Sophie sa halip ay binibigyan pa niya ito ng special na attention. "Hi, kumusta? May taping ka ngayon?" masigla niyang tanong dito. "Yeah. Tinatapos namin 'yong dramang pinagbibidahan ko." "Good luck," nakangiti niyang sabi. "George, halika na," tawag sa kanya ni Nikki para ipagpatuloy ang taping. "Oh, pa'no? Maiwan na kita," paalam niya rito. "Okay, go ahead," sagot naman nito. Naniningkit ang mga matang sinundan niya ng tingin si George. "Balang-araw, mawawala ka rin," sabi ng utak niya habang pinagmamasdan niya si George mula sa kanyang kinalalagyan. Naagaw ang atensyon niya nang mula sa di-kalayuan ay natanaw niya ang kahihinto lang na itim na kotse at mula sa backseat, lumabas doon si Jeoff, disenteng-disente itong tingnan sa semi-formal attire nitong suot. Naka-white t-shirt ito na pinaresan ng black pants at black shoes at kung sino man ang nakakita sa kakisigang taglay ng binatang ito ay sadyang mai-in love talaga. Matagal na siyang may pagtingin kay Joeff pero sadyang nahihirapan siyang abutin ito dahil sa kalagayan nito sa lipunan pero kahit ano man ang mangyari, gagawin niya ang lahat mapansin lang siya ng lalaking iniibig. "Hey, Mr. Sumail," tawag sa kanya ni Direk. "Hello, Direk." Napatingin si George sa kararating na bisita at medyo nawala siya sa mood para umakting pero pinilit pa rin niyang ipagpatuloy ang ginagawa. "What can we do for you, Mr. Sumail," tanong ni Direk. Ganito nila kung tratuhin si Jeoff. Dahil nga sa malaki ang ambag nito sa kanilang kompanya ay mala-prinsipe nila ito kung tratuhin. "I just want to watch her," aniya saka tumingin sa direkayon ni George at na-gets naman ni Direk ang nais nitong ipahiwatig. "Have a sit," aya ni Direk at agad namang tumalima si Jeoff. Umupo siya sa kung saan nakaharap siya sa dalaga. Ito ang babaeng nais niyang makasama sa habang-buhay. Gagawin niya ang lahat makuha lang niya ang kanyang gusto. Kung hindi man niya makukuha sa maayos na usapan si George ay handa siyang pumusta ng malaking halaga, matupad lang ang gustong mangyari. Matulin na lumipas ang araw na naging linggo at naging buwan. Nagpatuloy pa rin ang buhay ng lahat. Si Jeoff, matiyaga pa ring sinusuyo si George sa kagustuhang mapasakanya ang dalaga habang si George naman ay panay ang kanyang iwas dito. Dahil ayaw niyang bigyan ito ng kahit konting pag-asa. Pagkatapos ng isa niyang project ay nasundan kaagad nito na siyang lalong ikinagalit at ikinainggit sa kanya ni Sophie. Inaakala nito na inagaw na niya ang lahat mula rito. Trabaho, kasikatan at ang nag-iisang lalaking pinangarap niyang si Jeoff. Si Clint naman ay laging nasa tabi ng dalaga. Mas nagiging close na sila sa isa't-isa. Tinatawag na rin niya ito sa pangalan lamang dahil 'yon naman ang pakiusap nito dahil mas komportable raw si George kapag sa pangalan lang siya tatawagin ni Clint at dahil may lihim na pagtingin ang binata sa kanya ay buong puso itong tumalima sa kanyang kagustuhan. "G-George?" gulat na tanong ni Nikki, isang araw nang marinig niyang tinawag ni Clint si George sa pangalan nito, "...t-totoo ba ang narinig ko? T-talaga bang tinawag mo siyang George?" baling ni Nikki kay Clint. "Oo! Bakit may masama ba du'n?" Si George na ang sumagot. "Sa tingin mo ba, walang masama? Boss ka niya at driver mo siya. Hindi na napaka-informal naman kung tatawagin ka lang niya sa pangalan?" "Hayaan mo na. Isa pa, walang masama du'n," nakanguso niyang sabi. Dali-daling hinila siya ni Nikki palayo kay Clint. "Hintayin mo'ko, huh?" pasigaw pa niyang bilin sa naguguluhan na ring binata. "Nikki, ano ba?" "Umamin ka nga sa akin. May gusto ka ba sa kanya?" diretsa nitong tanong matapos siya nitong bitawan. Nakangiting napatingin siya kay Clint. "He looks perfect kahit na napakasimple lang ng kanyang suot," aniya na para bang nagpapantasya habang nakamasid kay Clint na nakasandal na sa kotse. Lalo tuloy parang mabaliw ang manager sa dalaga. Hindi naman kasi ganito si George. Maraming magagandang lalaking nagkakarandapa rito pero ni minsan, hindi talaga niya nakita itong nagkakaganito sa isang lalaki at sa isang driver pa. Natatakot kasi siya sa magiging kumento ng mga tao sa kanya. Paano na lang kapag mapagtripan ng ibang lalaking manliligaw ni George si Clint dahil bakit ba kasi wala silang laban sa isang driver lang samantala, ang yayaman nila. Gwapo pa. Ang iba nga sa kanila sikat sa larangan ng pagnenegosyo. May iba ring kapwa niya artista at modelo tapos sa isang driver lang, matatalo sila? "So, gusto mo nga siya?" "I do." Napanganga na lamang si Nikki sa naging sagot ni George. Magsasalita pa sana siya pero inunahan na siya ng dalaga. "Hanggang doon lang 'yon dahil alam kong hindi na 'yon magkakatotoo," malungkot niyang sabi. "Bakit?" "Kasi, engaged na siya." "What?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD