Chapter 2

1420 Words
Napatingin siya sa lalaki dahil bagong mukha ito sa kanyang paningin. Bata pa at may hitsura rin, matipuno at mukhang mayaman. "Ah, by the way, Ms. Cruz. He is Mr. Jeoff Sumail. The son of Mr. Sumail," pagpapakilala ni Mr. Sales sa kanya. Napatingin sa kanya si Jeoff at ganu'n na rin siya. "Hmm...Sumail? Sounds familiar," usal ng utak niya. "Nice to meet you, Ms. Cruz." Nakalahad ang kamay nito sa kanyang harapan pero hindi niya napansin dahil nakatitig siya sa mukha nito kaya pasimpleng siniko siya ni Nikki. "George?" pabulong na tawag nito sa dalaga. "Huh?" gulat niyang sabi, "...oh, hi. Nice to meet you, too." Agad niyang tinanggap ang nakalahad nitong kamay at agad din niyang binawi ng maramdaman niya amg pagpisil nito sa kanyang palad. "Okay, let's eat," sabi ni Nikki at agad namang tumalima ang lahat. Umupo si Jeoff sa kabila at nakaharap mismo kay George. "Akala ko ba, marami tayo. Bakit apat lang tayo?" seryoso niyang tanong pagkaraan. "This dinner is just for you and after all Mr. Sumail prepared it kaya nakakahiya naman kung mang-iimbita tayo ng marami." Bahagyang napakunot ang noo ni George sa narinig at muli siyang napatingin kay Jeoff na kasalukuyan nang nakatingin sa kanya. "Mr. Sumail's company is one of our VIP sponsors. They sponsored a lot in every project we had. So, dapat lang siguro na bigyan din natin siya ng konting oras to have a chat with us, right?" muling baling sa kanya ni Mr. Sales. "Kaya pala familiar ang surename niya," muling usal ng kanyang utak. "He is the only son of Mr. Sumail," dagdag pa ni Nikki. "He is good boy, too. A rich man. A beautiful man," nakangiting pahayag ni Mr. Sales. Sa totoo lang, lihim na siyang nawawalan ng ganang kumain dahil magmula ng pumasok siya sa loob ng room na ito, si Jeoff na ang bukambibig ni Mr. Sales. Para raw sa kanya ang dinner na ito pero mukhang hindi naman. "He is your number one fan, George," ani Nikki na para bang nasisiyahan pa kaya palihim niya itong sinipa ang paa nito sa ilalim ng mesa at agad naman itong napatingin sa kanya. Dahil sa tagal ng kanilang pagsasama, alam na nito na naiirita na siya kaya tumahimik na lamang si Nikki. "I am always watching you. Even your interviews, hindi na rin nakaligtas sa akin. Lahat pinapanood ko nang paulit-ulit," pahayag ni Jeoff. "Will you stop beating around the bush? Can you tell me directly if what you want," naiirita niyang tanong. Pasimpleng sinipa siya ni Nikki dahil sa kanyang inasal. Pakiramdam kasi niya, nagpapakitang-gilas ito sa kanya. Nagpapalakad. "Ms. Cruz," tawag sa kanya ni Mr. Sales na para bang sinasabi nito na umayos siya. "It's okay, Mr. Sales. That's one of her attitude that I like. 'Yong pagiging prangkang tao," nakangiti nitong pahayag, "...well, honestly, Ms. Cruz. I really like you that is why I am hoping that one day, hindi lang kita mapapanood sa t.v, mababasa sa diyaryo kundi makasama habang buhay." Saglit na natigilan si George sa narinig. "What do you mean?" kunot-noo niyang tanong. "I can make you the most famous artist in the whole world if you'll agree to get married with me," diretsa nitong sabi na siyang labis na nagpabigla sa dalaga. Si Nikki na nakikinig lang ay agad na nabulunan kaya dali-dali itong sinalinan ng tubig ni Mr. Sales. "You know who I am. I am a son of a billionaire," proud na proud pa nitong sabi. Walang anu-ano'y pabiglang ibinagsak ni George ang kutsara at tinidor na kanyang hawak sa kanyang pinggan kaya lumikha ito ng ingay. "I don't need your money, Mr. Sumail 'cause I have my own. Being a famous in the whole world is not my dream. All I want is only to act," matigas niyang pahayag saka dali-daling tumayo, "...thanks for your expensive dinner. I'm already full," aniya saka siya agad na lumabas ng room. Hindi na niya pinansin pa si Mr. Sales kahit na paulit-ulit siya nitong tinawag. Dali-dali namang napasunod sa kanya si Nikki. "Let's go," wala sa sariling sabi niya kay Clint.  Nagtataka man ay napasunod sa kanya ang binata. "Wait for me, George!" habol sa kanya ni Nikki. Pagkarating nila sa labas ng restaurant ay pagalit na binalingan niya si Nikki. "Why didn't you tell about that dinner?" "I don't have any idea about that. It's all Mr. Sales plan." Agad niyang binuksana ng pinto, hindi na niya hinintay pa si Clint para pagbukasan siya. Nagpaalam muna si Clint kay Nikki bago ito pumasok ng kotse. Habang nasa daan ay tahimik si George. Pasimple namang sinusulyapan ni Clint ang dalaga sa salamin. Nagtataka siya sa nagiging reaksyon nito pero wala naman siyang lakas ng loob para magtanong. "Alis na po ako, Ms. Cruz," paalam ni Clint sa dalaga matapos niya itong maihatid sa bahay nito. Lalakad na sana siya paalis ng biglang tumunog ang tiyan ni George kaya napatingin siya rito. Kinagat ni George ang kanyang ibabang labi habang nakapikit. Napahiya tuloy siya. Ni isang subo kasi, wala siyang nagawa dahil sa sama ng temperature kanina sa loob ng restaurant. Nakaupo sa sofa at nanonood ng animated movie sa t.v si George habang si Clint naman ay nasa kusina niya, nagluluto ng hapunan niya. Laking pasasalamat na rin ni Clint sa kanyang Mama dahil bata pa siya ay hinubog na siya nito sa ganu'ng bagay kahit na lalaki siya. Napalingon si George sa binata habang abala ito sa pagluluto at nakasuot pa ng apron. Napatitig siya rito. Simpleng lalaki, pero kung kumilos ay  napakadisente. Hindi tuloy niya napigilan ang mapatulala habang nakamasid siya rito. Hindi niya inakala na darating pa pala sa kanyang buhay ang ganitong eksena na may lalaking magluluto para sa kanya. Napapangiti siya sa kanyang iniisip. Kinikilig siya. Paano na lang kaya kapag ganitong lalaki ang kanyang maaasawa? Dali-dali siyang tumayo at nilapitan si Clint. "May kailangan po ba kayo, Ms. Cruz?" tanong nito habang ang mga mata at nakatuon sa niluluto. Dahan-dahan niyang itinaas ang kanyang isang kamay saka pinahid ang dumi na nasa mukha ng binata. Natigilan naman si Clint sa kanyang ginawa. Napatitig ito sa kanyang kamay saka ito napatitig sa kanyang mga mata. Hindi naman naiwasan ni George ang mapatitig din dito. Sa hindi inaasahang pagkakataon, ramdam na ramdam ni George ang pagbilis ng pagpintig ng kanyang puso. Sa dinami-daming lalaking nakipagtitigan sa kanya ay kay Clint lang talaga niya nararamdaman ang pagkakagulo ng kanyang puso. Tinamaan na nga ba siya rito? Kung dati ay sa magazine lang natitigan ni Clint ang mga mata ng babaeng hinahangaan niya, ngayon ay natitigan na niya ito nang malapitan na siya namang ikinatuwa ng kanyang puso. Para tuloy siyang nanalo sa lotto dahil sa naranasan. Ang normal na pagpintig ng kanyang puso ay bigla na lamang itong nagkakagulo. Nagkatitigan silang dalawa. Ilang sandali sila sa ganu'ng ayos hanggang sa biglang tumunog ang phone ni George. Pareho silang napapiksi at agad siyang umalis sa harapan ni Clint para rin maiwasan na makita nito ang kanyang pagba-blush. Naiwan naman si Clint na nakatigagal at kumakabog ang dibdib. "Bakit napatawag ka?" tanong niya sa kanyang caller na si Nikki. "Mag-o-order ako ng pagkain, ipapadala ko diyan sa'yo. Alam kong hindi ka pa naghahapunan," sabi ni Nikki sa kabilang linya. "No, thanks. May pagkain na ako," sagot naman niya kaagad dito. "Buti naman at naisipan mong bumili. Nag-aalala talaga ako." "Nope! May nagluluto para sa akin ngayon," nakangiti niyang sabi saka siya napalingon kay Clint na abala uli sa pagluluto. "Who?" "My prince charming," pabulong niyang sagot habang ang laki-laki ng kanyang ngiti sa mga labi. Agad siyang umiwas ng tingin ng biglang nag-angat ng tingin si Clint at diretso ito sa kanya. She bit her lower lip dahil napahiya siya sa pgkakahuli nitong nakatingin dito. "Sige na baybay," aniya at agad niyang pinutol ang tawag ni Nikki. "Hey! George!" End button na lamang ang narinig ni Nikki. Nagtatakang ibinaba niya ang kanyang phone. Napaisip siya kung sino ang nagluluto ngayon para kay George at sino namnag princr charming na sinasabi nito. "Si Clint kaya?" tanong ng kanyang isipan. "Hmmm...sarap!" bulalas ni George habang nalalantakan niya ang pagkaing niluto ni Clinton para sa kanya, "...saan ka natutong magluto?" tanong niya rito sa pagitan ng pagnguya. "Sa nag-iisang babae sa buhay ko," sagot nito na siyang nagpatigil kay George. "Nag-iisang babae? May asawa na ba siya?" tanong ng kanyang isipan habang nakatingin siya sa mukha nito. "Bakit, Ms. Cruz?" nagtataka nitong tanong. "Girlfriend mo? A-asawa mo?" Napatitig siya kay Clint nang napangiti ito sa kanyang tanong. "Ina," matipid nitong sagot. Maikling sagot na siyang nagbigay sa kanya ng lihim na saya. "So, it means, you're a single?" "I'm already engaged." Biglang mawala ang ngiting nasa mga labi ni George sa narinig galing sa kausap. "E-engaged ka na?" tanong pa niya sa pagbabasakaling nagkamali lang siya ng dinig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD