Agad na pinuntahan ni Clinton ang kwartong sinabi sa kanya ng nurse kung saan naka-confine ang ina ni Celine. Nang nakapasok na siya ay nadatnan niya ang ginang na natutulog habang may nakasabit na oxygen sa bibig nito at may ilang tubo pang nakasabit sa katawan nito. Naguguluhan pa man siya sa mga nangyayari, nagawa pa rin niyang maawa sa kalagayan ng matanda. Nagising kinabukasan si Georgette na masakit ang kanyang ulo dahil nga siguro napasobra ang kanyang pag-inom kagabi ng alak kaya tuloy wala na siyang naaalala sa mga pinaggagawa niya. Bumangon na siya kaagad pero bago pa man siya nakababa mula sa kama ay natigilan na siya nang makita niya si Nikki na tahimik na nakaupo habang pinagmamasdan siya. "You startled me," aniya saka na siya tuluyang bumaba mula sa kama at dumiretso n

