Dahil sa kanyang naaalala ay hindi na niya tuloy nagawang igalaw ang kanyang kamay para tanggapin ang ibinibigay sa kanya ni Stephanie kaya ang ginawa ng dalaga ay kinuha nito ang kanyang kamay saka nito ipinahawak sa kanya ang book na bigay nito. "Tanggapin mo na," sabi nito at nang hinawakan na niya ang book ay agad din itong lumabas ng kanyang kwarto. Habang bitbit niya ang book ay sinundan niya ang dalaga papunta sa guest room pala magpalit ng damit. "Sino ka ba talaga?" Natigilan si Stephanie sa kanyang tanong. Napapihit ito paharap aa kanya na may pagtataka sa mukha. "A-anong ibig mong sabihin?" kunot-noo nitong tanong. Parang natauhan naman si Nikki sa kanyang ginawa. "I mean, hindi mo pa rin ba naaalala ang nakaraan mo?" pag-iiba niya ng usapan. "Hindi pa nga, eh," malungk

