Napaawang ang mga labi ni Jeoff sa kanyang nalaman. Hindi niya akalain na ang taong akala niya ay isang driver lang, isa palang mayaman at nag-iisang tagasunod ng maiiwang ari-arian ng mga magulang nito. "Clinton Mondragon," usal niya sa pangalan ng binata. "Kaya pala Clint ang pangalan niya pero bakit siya nagpanggap na isang driver? Bakit kailangan pa niyang itago ang tunay niyang pagkatao?" tanong ng isipan ni Jeoff habang nakatitig siya sa mukha ni Clinton. Malaking palaisipan sa kanya ngayon kung bakit kinakailangan pa ni Clinton ang itago ang tungkol sa pagkatao nito. Sa kasunod na pahina na nasa folder ay nakita ni Jeoff ang picture ng isang babae na nakasuot pa ng uniporme na pangdoktor. "Stephanie Andolero?" tanong niya sa kanyang tauhan habang nanatiling nakatuon sa nakangi

