Tumayo si Georgette at hindi siya makasagot sa tanong sa kanya ni Nikki habang si Nikki naman ay nanatiling naghihintay sa kanyang magiging sagot pero nang wala itong natanggap na sagot galing sa kanya ay muli itong nagsalita. "Minahal mo ba talaga si Jeoff?" muling tanong ni Nikki sa kaibigan. Sinundan niya ng tingin si Georgette nang lumakad ito palapit sa kinaroroonan ng phone nito saka binasa ang bagong natanggap na message. Matapos nitong basahin ang text message na natanggap nito ay binalingan siya nito. "I don't love him. I'm just playing with him. I'm just using him so that... I-I can forget about Clint." Napabitiw si Jeoff mula sa pagkakahawak niya sa door knob ng pintuan ng dressing room kung nasaan nandoon sina Nikki at Georgette nag-uusap. Narinig niya ang lahat ng mga p

