"I don't want it," sabi ni Georgette isang araw nang ibigay sa kanya ni Nikki ang kanyang bagong proyekto. Napataas ang kilay ni Nikki. Hindi niya inaasahang maririnig mula sa bibig ng dalaga ang ganu'ng mga kataga. Nasanay kasi siya na ang Georgette na lagi niyang kasama noon ay hindi marunong tumanggi. Mapalaki man o maliit man ang project na ibibigay dito, hindi ito tumatanggi at ngayon lang talaga niya ito narinig tumanggi sa isang project na maraming artista ang naghahabol. "Are you sure about it?" kunot-noo niyang tanong. Napaangat ng mukha ang dalaga at napatingin ito sa kanya. "I am. Any problem with it?" sarkastiko nitong tanong na siyang lalong ipinagtaka ni Nikki. "You dream for it," aniya. "Did I? Well, I changed my mind," sagot nito saka muling ibinalik ang atensyon nito

