"Pero anong ginagawa ni Stephanie rito?" Napatingin sa kanya ang dalawa na parehong nagtataka lalo na si Mr. Santos dahil wala naman itong kilalang Stephanie. "Who's Stephanie?" kunot-noong tanong nito sa kanya. "That girl who's sitting there," sagot niya saka niya itinuro kung saan niya nakitang nakaupo kanina si Georgette. "According to them, she's the real Georgette." Lalong gumulo ang utak ni Jeoff sa kanyang narinig. "What?! Real Georgette?" taka niyang tanong. "Why? Do you know her?" tanong din ni Sophie. "Not really but as far as I know, she is Clinton's fiancee." Napaupo na lamang si Mr. Santos dahil talagang sobrang gulo na ng pangyayari at hindi na niya alam kung alin doon ang dapat niyang paniwalaan. Napatitig na rin si Sophie sa binata. Hindi niya akalain na maram

