"Walang kabuluhan ang mga paratang nila sa akin. Ni hindi nga sila makapagpakita ng isang matibay na ebidensya tungkol sa inaakusa nila sa akin." Tahimik na nanonood si Rhodora sa press conference ni Sophie, hindi niya ito masyadong kilala dahil hindi naman siya mahilig sa showbiz. Naka-fucos naman siya lagi noon sa negosyo nilang pamilya at sa pag-aaruga niya sa kanyang asawang doktor at mas lalong nawalan siya ng oras at panahon sa ganitong mga bagay lalo nang dumating sa buhay nila si Stephanie. "Sinisiraan nila ako dahil sa inggit. Unti-unti na silang bumabagsak samantala ako heto, muling nagniningning kaya ganu'n na lamang ang galit at pagkainggit na nararamdaman nila sa akin," pagpapatuloy pa ni Sophie habang walang tigil ang pagkislapan ng mga camerang nakaharap sa kanya. "Hi

