Agad na pinuntahan ni Elizabeth ang bahay ng kanyang anak pero ang sumalubong sa kanya ay si Celine. "Totoo bang hindi ikaw ang anak ko?" tanong ni Elizabeth kay Celine. Marahang tumangu-tango si Celine, "Ako po si Celine Solis," mahinahong sagot ng dalaga. "Pero bakit? Bakit siya nagpalit ng mukha? May kulang pa ba sa mukha niya?" sunod-sunod na tanong ni Elizabeth sa kanyang kausap. Hindi nakasagot kaagad si Celine. Si Georgette ay nasa loob lang ng bahay, tahimik na nakikinig. Gusto niya itong labasin pero hindi niya magawa. "Where is Georgette now? I want to see her. Where is she?" Napatingin si Elizabeth sa loob ng bahay sa pagbabasakaling makita niya ang kanyang anak. "She's not here," matipid na sagot ni Celine. Imbes na umuwi na lamang dahil wala si Georgette ay walang

