"Anong nangyari?" nag-aalalang tanong ng kararating lang na si Manang Babeng na siya namang nagpabalik kay Clinton sa matinong pag-iisip. "Nahiwa po 'yong daliri ko, Manang," sumbong ni Stephanie sa matanda. Hinawakan ni Manang ang kanyang kamay at tiningnan nito ang kanyang sugat habang si Clinton naman ay agad na naghanap ng pwedeng igamot sa sugat ng dalaga. "I told to sit down and do nothing pero hindi ka nakinig kaya ayan na 'yong napala mo," panenermon ni Clinton habang ginagamot niya ang daliri ng kanyang fiancee. Hindi napigilan ni Stephanie ang sariling mapangiti habang nakatitig sa mukha ng binata. Natigilan naman si Clinton sa kanyang ginagawa nang mapansin niya ang pagngiti ni Stephanie. "Why are you smiling?" tanong niya rito. "You are worried about me," tugon ng dal

