Napapikit na lamang si Clinton sa sakit nang makita niya ang balita tungkol sa kanyang nobya na engaged na kay Jeoff. Napakuyom siya ng kanyang kamao habang nagdurugo ang kanyang puso. Hindi niya akalain na ganu'n pala kabilis para kay Georgette ang kalimutan at palitan siya. Sabagay, driver ang pagkakakilala nito sa kanya kaya malamang ganu'n na lang talaga kadali para sa dalaga ang palitan siya. "May problema ba?" Napalingon si Clinton sa kanyang likuran nang marinig niya ang boses ng isang babae at nang lingunin niya ito ay nakita niyang si Stephanie pala. Sapilitan siyang ngumiti bago sumagot, "Wala naman. Bakit ka nandito?" tanong niya rito. "Wala kasi akong magawa sa bahay kaya pumunta ako dito. Okay lang ba? Hindi ba ako nakakaistorbo sa'yo?" Napatingin siya sa maamong mukha

