"G-Georgette?" hindi makapaniwalang bulalas ni Sophie sa pangalan ng dalaga habang nanatili rito ang kanyang mga mata. Dahan-dahang lumapit sa kanya si Georgette na siyang dahilan para makaramdam siya ng pagkatakot at panginginig. "So, alam mo kung ano ang nangyayari sa akin?" tanong ni Georgette habang lumalakad siya palapit dito. "W-wala akong alam. Sino ka ba?!" kunwari niyang tanong. Nagsisisi siya kung bakit tinawag niya ito sa totoo nitong pangalan gayung iba naman ang mukha nito. "You called me Georgette awhile ago tapos ngayon magde-deny ka na?!" galit na singhal sa kanya ng dalaga. Ipinagpatuloy pa ni Georgette ang ginagawa niyang paghakbang palapit sa takot na takot na si Sophie at dahil sa takot na nararamdaman ni Sophie ay npaatras siya. "Hindi mo ba ako kukumustahin, S

