Labis ang pagtatakang bumalot sa puso ni Sophie at wala sa sariling agad niyang nilapitan ang monitor at natatarantang hinanap niya ang switch nito pero wala siyang makita. "Patayin niyo!" naghihisterical na niyang sabi sa mga kasama niyang staff. "Patayin niyo!!" sigaw niya ulit at natataranta namang napasunod ang mga staff sa kanya at kanya-kanya na sila sa paghahanap sa switch ng nasabing monitor. Pati na rin si Sophie ay parang nawawala na rin sa sarili habang naghahanap hanggang sa napatay na rin nila ito. Halos sasabog na sa sobrang tensyon na nararamdaman ang dibdib ng dalaga pero pinilit pa rin niyang pakalmahin ang sarili kahit na parang gusto nang lumupaypay ang kanyang mga tuhod sa pangangatog dahil sa takot na nararamdaman. Pinilit niyang ngumit nang muli niyang hinarap

