Halos paliparin na ni Nikki ang sasakyan niya papunta sa hospital kung saan naka-confine ang ina ni Celine habang si Celine naman ay tahimik na nakaupo sa tabi niya habang panay ang pagdaloy ng mga luha nito. Tinawagan kasi siya na biglang inatake ang kanyang ina kaya halos hindi na siya makagalaw sa kanyang kinatatayuan kanina sa sobrang pagkabigla. Nang makarating na sila sa hospital ay inaasikaso pa ang kanyang ina at halos hindi na mapalagay si Celine sa sobrang pag-aalala para sa ina at bago pa man sila bumaba ng kotse ay pinasuot muna ni Nikki si Celine ng sumbrero at sunglass saka face mask para naman walang makakakilala sa kanya at para na rin maptoteksyonan niya ang image ni Georgette. "Calm down. Everything will be okay. Just pray, okay?" ani Nikki nang makita niya kung papaa

