"What?!" gulat na tanong ni Clinton nang tawagan siya ng kanyang sariling ina at ipinaalam sa kanya na umalis si Stephanie nang hindi nagpapaalam sa kanilang lahat sa isla. "Kailan lang po ba siya umalis, Ma?" tanong niya uli sa kanyang ina. "Kahapon pa. Hindi ba sita tumawag sa'yo?" balik nitong tanong sa kanya. "She didn't," aniya saka dahan-dahan niyang ibinaba ang kanyang phone. Nagsimula na rin siyang kabahan dahil sa pag-aalala kung nasaan na si Stephanie. Agad niyang sinubukan itong tawagan pero ring lang nang ring ang phone nito. She didn't try to pick up his call kahit na nakailang dial na siya rito. Where are you? Text niya rito pero wala pa rin siyang natanggap na sagot mula sa dalaga. Steph, where are you right now? Naghintay siya sa magiging sagot nito pero nabigo l

