Chapter 43

1535 Words

"Sino ba kasi ang dinalaw mo sa hospital?" tanong ni Nikki kay Georgette habang nagbabyahe sila pauwi sa bahay nito. "Isang kaibigan lang," maikli nitong sagot habang ang mga mata nito ay nasa labas ng sasakyan. "Mabuti na lang at walang nakakakilala sa'yo," saad ni Nikki pero hindi na muling umimik si Georgette. Nanatili itong nakatingin sa labas at ang lalim ng iniisip. Gusto mang mang-usisa ni Nikki pero wala naman siyang lakas ng loob para mag-usisa sa dalaga na parang wala yatang balak na muli pang magsalita. Nang makarating na sila sa tapat ng bahay nito ay agad na lumabas si Georgette. "Thank you," anito saka walang lingon-likod na pumasok na ito sa bahay nito. Ni hindi man lang ito nag-abala pang lingunin siya gaya ng ginagawa nito noon. Ibang-iba na talaga si Georgette ngayon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD