Matapos kumain ni Stephanie sa isang kainan ay agad na siyang nagsimulang maghanap ng taong pwede niyang malalapitan pero pinanatili pa rin niyang nakatakip ang kanyang mukha dahil sa takot na baka makikita siya ng mga taong minsan nang nagbanta sa kanyang buhay. Hindi naman niya maaaring tawagan si Clinton dahil baka iisipin nito na wala talaga siyang tiwala, na pinagdududahan niya ito. Ayaw din niyang mag-aalala ito sa kanya lalo pa at ayon sa ina nito ay inasikaso itong napakaimportanteng bagay sa city. Kailangan niyang alamin 'yon at kailangan din niyang malaman kung para saan talaga ang malakas na connection na kanyang nararamdaman para kay Georgette. Patawid na sana siya ng kalsada nang biglang may isang babaeng nakaagaw ng kanyang pansin. Pinagmasdan niya ito nang mabuti. Nasa

