"Tita, si Clinton po?" tanong ni Stephanie kay Feliza isang araw nang dumalaw ito sa kanila. "Umalis kahapon papunta ng city. May aasikasuhin lang daw siya," paliwanag ng ginang, "Akala ko ba nagpaalam siya sa'yo, hindi pala?" parang may himig ng pagtataka ang boses ng ginang. "Okay lang po 'yon, Tita. Baka nga importante talaga ang pinunta niya, kaya hindi na siya nakapagpaalam pa." Pinilit niyang pinasigla ang kanyang mukha para lang hindi mapansin ng ginang na may kung masamang agam-agam na siyang nararamdaman. Naalala niya ang usapan nina Clinton at Nikki sa phone. May agam-agam siya na doon ang punta ng kanyang fiance, ramdam din niyang may kinalaman si Georgette sa biglaang pag-alis ni Clinton. Kailangan niyang malaman ang katotohanan. Hindi pwedeng ganito na lang siya palagi

