Nagkatitigan sila when Clinton released her lips but she wants more. She wants him to kiss her again at para ring naiintindihan ng binata ang sinasabi ng kanyang puso dahil agad na muli nitong inangkin ang kanyang mga labi. Magkasabay pa silang napapikit! Dahan-dahang gumalaw ang mga labi ng binata at kusa naman niya itong tinugunan. Gustong-gusto niya ang paraan ng paghalik nito sa kanya. Para siyang nahihilo, naaadik! Nang maramdaman ni Clinton ang kanyang pagtugon ay bigla siya nitong hinapit sa beywang na siyanb dahilan para magkadikit ang kanilang mga katawan at mas lalong lumalim ang kanilang paghahalikan. Pasimpleng napasulyap si Clinton sa dalaga na tahimik nang natutulog sa kanyang tabi habang nagbabyahe sila pauwi. Habang tulog ito ay pasimpleng hinawakan niya ang kamay ni

