"Ayyy!! Naku! Sa wakas, napadalaw ka rin!" bulalas ni Manang nang makita nito si Georgette na kalalabas lang mula sa sasakyang minamaneho ni Clinton. Agad na sinalubong ni Manang ng yakap ang dalaga nang mahigpit "Namiss ka namin dito, alam mo ba 'yon?" nakangiting tanong ng matanda kay Georgette. "Salamat po at namiss niyo ako," nakangiti ring saad ng dalaga. "Saan ka ba kasi nagpunta? Bakit ngayon ka lang napadalaw dito?" Napatingin si Georgette kay Clinton na kasalukuyang nakamasid sa kanila. "M-may importanteng pinuntahan lang po ako sa city, Manang," sagot naman niya at nang muli niyang sinulyapan si Clinton ay nakita niya ang agaran nitong pagyuko. Agad na siyang sinamahan ni Manang papasok sa bahay para makaupo sila at makapagpahinga sandali. Hindi na sumunod sa kanila

