Mula sa kabilang daan ay tahimik na pinagmamasdan ni Georgette ang kanilang bahay. Ganu'n pa rin ito pagkalipas ng ilang buwan, walang nagbabago. Ganu'n din kaya ang mga tao na nasa loob ng bahay na 'yon? Sa totoo lang namiss na niya ang kanyang mga magulang kahit pa alam niyang hindi siya namimiss ng mga ito. Gusto sana niyang lumapit nang konti para masilip niya ang loob ng kanilang bahay pero ayaw gumana ang kanyang mga paa. Siguro nga dahil mabigat pa rin ang kalooban niya sa mga ito. Dahan-dahan niyang inihakbang paalis ang kanyang mga paa pero bago pa man siya tuluyang nakalayo ay may sasakyang biglang dumating sa harapan ng kanilang bahay. Nang lingunin niya ito ay nakita niya ang paglabas ng sarili niyang ama mula sa loob. Itinaas niya ang kanyang kanang paa para ihakbang palap

