"It's nothing, honey. Just keep eating and you will be late in your appointments with your clients," pahayag ni Feliza sa asawa na nagtataka. Wala namang nagawa si Gabriel at ipinagpatuloy na rin niya ang kanyang pagkain habang sina Clinton at Stephanie naman ay pilit na pinapakalma ang sarili at pilit na ipinapakitang they are not effected about what happened earlier. "Pasalamat ka at hindi itinuloy ni direk ang pagpapatalsik sa'yo," saad ni Nikki nang madatnan niya ang kaibigan na inaayusan ng sarili nitong make-up artist. "Wala namang problema sa akin kung ibibigay niya sa iba ang project na 'yon, eh," sagot naman nito habang pinagmamasdan niya ang sarili nito sa kaharap na salamin. "Aray! Ano ba?!" galit na singhal nito sa make-up artist nito na siyang ikinabigla ni Nikki. Ever

