Dahil sa nakita ay hindi na nagdadalawang-isip ang binata para tumalon sa tubig at iligtas ang dalaga. Nang maiahon na niya mula sa tubig si Stephanie ay wala na itong malay. Sinusubukan din niyang i-press ng paulit-ulit ang dibdib nito pero wala pa ring nangyari so he decided to execute the mouth to mouth recitation. Inilalapit din niya ang kanyang tainga sa bibig ng dalaga para naman maramdaman niya kung humihinga na ba ito. "Steph, wake up!" nababahala na niyang sabi. Tinapik-tapik na rin niya ang pisngi ng dalaga dahil sa pagbabasakaling magising ito pero nabigo lang siya. Nagsisisi tuloy siya kung bakit hindi niya ito pinaniwalaan nu'ng sabihin nitong naninigas ang kanyang mga binti. Paulit-ulit niyang ginagawa ang mouth to mouth recitation para lang muling bumalik sa kamalayan

