Dahil wala namang magawa sa bahay si Stephanie, nakiusap siya sa kanyang ina na kung maaari, pupunta siya sa hospital kung saan nagtatrabaho ang kanyang ama. Pumayag naman kaagad si Rhodora dahil na rin sa pagbabasakaling isa ito sa mga paraan para kahit papaano may maaalala ang kanyang anak. Nakiusap rin si Rhodora na kung maaari, sasamahan siya ni Clinton papuntang hospital para namang magiging panatag amg kalooban ng ginang at excited naman sa ideyang 'yon si Stephanie. Habang kinakausap ni Rhodora ang kaibigang si Feliza sa phone para pakiusapang samahan ni Clinton ang kanyang anak para pumunta ng hospital ay agad na nag-ayos si Stephanie sa kanyang sarili para sa pagdating ni Clinton, naka-ready na siya at para na rin hindi na maghintay pa ang binata sa kanya. "Sige na, samaha

