Sinamahan ni Alonso ang anak sa pag-iikot sa loob ng hospital habang nakasunod sa kanila si Clinton. Habang naglalakad sila ay nag-uusap at nagkukwentuhan silang tatlo at may iisang nurses at doctors na rin ang bumabati kay Stephanie na pareho niyang hindi kilala pero kilalang-kilala naman siya ng mga ito. Habang abala sila sa pag-iikot, pinipilit ni Stephanie na alalahanin ang kanyang nakaraan pero nabigo lamang siya dahil ni isa man lang sa kanyang nakaraan ay walang bumalik. Nanghihina ang mga binting napaupo siya sa swivel chair ng kanyang ama nang nagpasya na siyang bumalik sa office nito para makapagpahinga na rin sila. Mabuti na lang din at agaran ang naging tugon ng management ng hospital para ipaayos ang kanyang opisina matapos itong sumabog pero inilipat siya sa ibang bahagi

