Chapter 4: Long time no see

1921 Words
Ria Jade   MONDAY.   “See? Feeling ko pinaglalapit na talaga kami ng tadhana eh.” Hindi ko mapigilang mapangisi pagkatapos kong ipanood sa kanya ang video ni Mikael. Napapangisi akong sumandal sa kinauupuan.   As usual, katatapos lang ng klase kaya kasalukuyan na naman kaming laman ng canteen.   “Paano nangyari ‘yon? Akala ko nasa ibang bansa siya?” tanong ni Axel.   I shrugged. “Aba malay ko. Basta ang mahalaga sa akin, pagkakataon ko na ‘to para mapalapit ulit sa kanya.” Inabot ko ang iced tea sa mesa at humigop doon. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na darating ang araw na ‘to. At dahil binigyan na ako ng pagkakataon, talagang hinding-hindi ko na ‘to sasayangin!   Maghanda ka na ngayon palang Mikael Falermo. Sisiguraduhin kong sa akin pa rin ang huling halakhak. Hihi.   “Pano kung may iba na siya?”   Parang may biglang bumara sa lalamunan ko nang marinig ang sinabi niya kaya sunod-sunod akong napaubo. Taenang Axel ‘to, ang galing talaga manira!   Matapos mapakalma ang sarili, sinamaan ko siya ng tingin. “Wala ka talagang konsiderasyon! Bakit hindi mo nalang ako suportahan ha? Mahirap bang gawin ‘yon?!” inis kong singhal sa kanya.   Umiwas siya ng tingin at nagpakawala ng hininga. “I’m just stating facts. Single siya, hindi imposibleng mangyari ‘yon. Ano bang inaasahan mo? Magiging loyal pa rin siya sa’yo matapos malaman na pinaglaruan mo lang siya?” walang preno niyang sabi.   Napanguso ako.   Dahil sa sinabi niya, unti-unti rin naglaho ang mataas na kumpiyansa ko sa sarili. Napayuko ako at pinaglaruan nalang ng tinidor ang pagkain sa plato. Gustuhin ko man na mainis sa kanya dahil sa mga pinagsasabi niya, alam ko sa sarili ko na malaki ang posibilidad na tama lahat ng hinala niya.   And by just thinking of that, naninikip na agad ang dibdib ko. Hindi ko kayang makita siyang masaya sa iba. Hindi ko matatanggap kapag siya na mismo ang nagsabi sa akin harapan na talagang kinalimutan na niya lahat ng namagitan sa amin noon.   Gusto kong matawa sa sarili ko. Dahil ako mismo na nagsabi sa kanya noon na kalimutan ang meron kami pero natatakot naman marinig mula sa kanya na tinupad nga niya ang sinabi ko.   “Siguro kung hindi lang ako sumuko noon na hanapin siya.. hindi aabot sa ganito..” wala sa sarili kong bulong at napangisi ng mapait.   Ugh. Ang bobo ko naman kasi.   ***   SUNDAY.   Mabilis na lumipas ang anim na araw. Kung dati, tanging excitement lang ang nararamdaman ko sa paghihintay na dumating ang araw na ito dahil sa wakas magkakaroon na ulit kami ng chance, ngayon parang natatakot na ako. Natatakot akong alamin ang totoong nararamdaman niya at kung magagawa niya akong tanggapin ulit.   Sa mga nakalipas na araw, walang oras na hindi siya sumagi sa isip ko. Hindi ko rin maiwasang mag-alala kung ano ang magiging pakikitungo niya sa akin sa oras na magkita kami. I mean, iba na kasi ang sitwasyon ngayon. Maaaring siya pa rin ang dating Mikael na nakilala ko o nagbago na siya ng tuluyan matapos ang mga nangyari.   Kasalukuyan na kaming nasa sasakyan patungong studio. Ilang sandali nalang at muli na naming makikita ang isa’t isa. Habang nasa sasakyan ay hindi ako mapakali. Naghahalong kaba, excitement, at takot ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Idagdag mo pa ang lamig sa loob ng sasakyan na halos magpanginig ng katawan ko.   Pucha. Para akong matatae na ewan.   Daig ko pa yata ang makikipagkita sa jowa kong LDR!   “Will you stop it?!” Halos mapatalon ako sa kinauupuan nang marinig ang biglang pagsigaw ng manager ko. Gulat akong napatingin sa kanya at sumalubong sa akin ang salubong niyang kilay habang nakatingin ng masama sa akin.   “B-bakit? Inaano ba kita?” naguguluhan kong tanong.   She rolled her eyes at me. “I understand how you feel right now. Pero pwede bang kumalma ka? Kinakabahan ako sa’yo, baka bigla mo nalang dambahin mamaya ang lalakeng ‘yon sa sobrang tuwa mo e.”   Napanguso naman ako. “Hindi ako excited! Nilalamig lang ako sa aircon! Aassuming ka masyado e.” Humalukipkip nalang ako sa kinauupuan at pinilit na ibaling ang atensyon sa labas ng bintana upang tanawin ang bawat madadaanan namin.   Pero kahit anong pilit ko yata, siya pa rin ang laging tumatakbo sa isip ko. Bwisit!   Makalipas ang ilang sandali.. Inabot yata ng halos isang oras at mahigit ang biyahe bago namin marating ang destinasyon.   “We’re here.”   Shit. OMG. This is it.   Mas lalo yatang dumoble ang t***k ng puso ko. Hindi na ako makapag-isip ng maayos. Nag-aalala ako sa maaaring mangyari mamaya pero.. wala na talagang atrasan ‘to! Parang gusto kong magtatalon sa sobrang kaba sa mga oras na ‘to.   “Let’s go.” Shet! Eto na talaga. Konting kembot nalang!   Relax lang Ria.   Isa-isa kaming bumaba ng van at ako ang pinaka huli. Pagbaba ko, saktong humarap sa akin si Dennis at hinawakan ako sa magkabilang balikat.   Diretso siyang tumingin sa mga mata ko. “Bago pumasok, I want you to calm your a*s first. Okay? Now, I want you to count 1 to 3 and take a deep breath.”   “Para saa—“   “C’mon, gayahin mo ako,” utos niya sa akin at pilit akong pinapasabay sa kanya. Wala akong nagawa kundi sundin ang sinabi niya. Mukha na kaming tanga sa isang gilid na sabay humihinga ng malalim ng ilang beses.   “Inhale.. exhale. Yeah, like that.”   “Okay! Now, get ready.” Bumalik siya sa tabi ko at umangklas sa aking braso. Akala mo naman talagang tatakbo ako mamaya. Tss.   Nagsimula na kaming maglakad papasok ng bulding. Bawat staff na aming madadaanan ay isa-isa kaming binabati habang naglalakad papasok. Umakyat kami ng second floor at binagtas ang isang mahabang hallway bago tuluyang huminto sa tapat ng isang pinto.   Bigla akong napalunok.   “Relax,” Dennis murmured beside me. “Remember, pwedeng matulala pero bawal sunggaban. Naintindihan mo?” Dinig ko ang mahinang tawanan ng ilan sa mga kasamahan namin sa likod dahil sa sinabi niya.   Hinayaan ko nalang sila na pag-tripan ako dahil talagang wala ako sa huwisyong makipag-away ngayon. Masyadong nang okupado ni Mikael ang isip ko.   Pagpihit nila sa busol ng pinto, parang biglang bumagal ang takbo ng oras sa paningin ko habang hinihintay na bumukas ang pinto. Doon nagsimulang kumabog na naman ang dibdib ko sa kaba. Kung hindi pa ako natangay sa pagkakaangklas ni Dennis sa braso ko ay talagang hindi ako makakaalis sa kinatatayuan.   Habang naglalakad papasok, hindi ko mapigilang mapahigpit ang kapit kay Dennis. Mabilis kaming sinalubong ng ilan sa mga staff at inasikaso kami. Ang manager kong si Dennis ang nakikipag-usap sa kanila habang ako ay nakatuon ang atensyon sa iba. Umiikot ang tingin ko sa buong paligid upang hanapin siya.   “That’s it. Nice shot!”   Biglang napako ang tingin ko sa pinaggalingan ng boses na iyon.   At doon.. tuluyan nang nasilayan ng mga mata ko ang taong hinahanap ko.   “Tulaley na..”   Hindi ko maiwasang pagmasdan siya mula ulo hanggang paa. He propped himself back-and-forth on a chair, while his legs swung both sides of the wooden seat and his muscular arms on the frame. Idagdag mo pa ang malalim na titig niya sa camera at kung ako man ang nasa kalagayan nito, talagang nakakapanghina.   “Ang gwapo..” I heard someone murmured dahilan upang ikalingon ko.   Ngingising bumungad sa akin ang manager ko at tinaasan ako ng kilay. “E ‘di gising ka ngayon sa kahibangan mo? Tss. Magbihis ka na, marami pang oras para titigan siya mamaya,” utos niya sa akin at bahagya akong ipinagtulakan paalis pero hindi ko hinayaang mawalay sa paningin ko ang kinaroroonan ni Mikael habang naglalakad paalis.   Hindi ko mapigilan ang pagsilay ng matamis na ngiti sa labi ko.   ***   KATATAPOS lang ako na ayusan. Lumabas ako ng dressing room kasunod ang manager at stylist ko. I am wearing a black long sleeve dress na umabot sa aking siko at kitang-kita ang kurba ng aking katawan habang nakataas ang buhok at nakaladlad ang dalawang hulma ng buhok sa harap.   “Ready na Ms. Jade?” the photographer asked.   I just nodded in response bago tumapak sa white background at humarap sa camera. Saglit akong ni-retouch ng stylist ko habang abala naman ang mga mata ko sa paggala sa buong paligid.   “Nagbibihis pa siya, Madam..” dinig kong bulong ng stylist ko habang nagpipigil ng ngiti.   “W-wala naman akong hinahanap..” pagdadahilan ko na ikinatawa niya ng mahina.   Makalipas ang ilang sandali ay nagsimula na ang photoshoot. Pero kung minamalas ka nga naman, sakto pang pumasok siya ng studio kaya hindi ko tuloy maiwasang sundan siya ng tingin.   Saktong umilaw ang flash ng camera nang sandaling iyon kaya napakurap ako sa gulat.   Sumilip sa akin ang photographer na halata ang inis sa mukha. “One more time Jade!”   I sighed. Ayan napagalitan ka tuloy. Panay kasi ang harot eh.   Sinubukan kong umakto ng normal sa harap ng camera pero sadyang hindi ako mapirmi lalo na’t hindi lingid sa kaalaman ko ang titig na ipinupukol sa akin ng lalakeng ‘yon. Daig ko pa ang teenager na hiyang-hiya magpakitang gilas sa harap ng crush niya e. Pucha.   Taena ka talaga self, bakit ayaw mong umayos? Si Mikael lang ‘yan! Ang nag-iisang mayabang at masungit na lalakeng minahal mo! Kung kumilos ka naman para kang kiti-kiti na hindi mapakali sa kinatatayuan mo!   “Stop!” Napakagat agad ako ng ibabang labi sa sigaw na iyon.   Nakapmeywang na hinarap ako ng photographer. “What’s wrong with you today, Jade? Hindi ka ba comfortable sa suot mo o hindi mo lang talaga kayang magpaka-professional?”   Awkward silence.   Napaiwas ako ng tingin kasabay ng pasimpleng paglapit sa akin ni Dennis at sinalubong ako ng mahinang kurot sa tagiliran kaya napadaing ako.   “Nakakahiya ka! Alam kong sabik na sabik ka sa lalakeng ‘yon pero ang trabaho ay trabaho! Nakakahiya sa kanila!” mariin at pabulong niyang suway sa akin.   Napanguso naman ako. “Eeeh. Nahihiya kasi ako.”   Gigil na inambaan niya ako ng hampas na mas lalong nagpahaba ng nguso ko. “Kuh! Pasalamat kang maraming tao sa paligid kundi kanina ka pa nakatimik sa’kin! Mamaya na ang kilig at ayusin mo muna ang trabaho!”   “Tch. Oo na..” napipilitan kong sabi.   Tumingin siya sa magkabilang gilid bago dahan-dahang inilapit ang mukha sa tenga ko. “Ayusin mo. Mamaya gagawan ko ng paraan para magkaroon ka ng pagkakataon makausap siya na kayong dalawa lang..”   Biglang sumilay ang ngiti sa labi ko matapos marinig ang sinabi niya.   Ngingising humarap siya sa akin at nag-thumbs naman ako bilang sagot na sinuklian lang niya ng kindat bago bumalik sa kaninang pwesto. Pagkatapos noon ay ipinagpatuloy na namin ang photoshoot.   Pinilit ko nalang alisin sa isipan ko ang isang taong nakamasid sa bawat galaw ko at piniling mag-focus sa aking sarili at sa camera na nasa harapan ko.   Makalipas ang ilang sandali. Dumating na ang oras na pinakahihintay ko. Pagkatapos ng part ko, magkasama naman kami sa susunod na part. Doon bumalik ang kaba sa dibdib ko na sinamahan pa ng panlalamig ng mga palad ko.   Hindi ko napansin ang mga stylist ko na kasalukuyang nireretouch ang ayos ko dahil nakatuon ang buong atensyon ko sa kanya lalo na nang tumayo siya sa kinauupuan at nagsimulang maglakad palapit sa kinatatayuan ko.   Pasimple akong napasinghap.   Habang papalapit siya, saktong nagtama ang paningin namin dahilan upang mas dumoble ang kabog ng dibdib ko.   Hindi ko alam kung anong dapat na maging reaksyon habang nakatitig sa mga mata niya. Gaya ng una naming pagkikita, wala akong makitang kahit na anong emosyon sa mukha niya hanggang sa tuluyan niyang marating ang kinaroroonan ko.   Huminto siya sa mismong harap ko..   Hindi nawala ang malalim na titig ko sa mga mata niya. Sa isang iglap, parang gusto ko nalang sakupin ang distansya namin at yakapin siya ng napakahigpit kung malaya lang ako gaya noon..   Gusto kong maiyak sa harap niya at ipagsigawan na mahal na mahal ko pa rin siya. Gusto kong isumbat sa kanya kung gaano kalaki ang ginawa kong sakripisyo noon at itanong kung bakit siya umalis. Kung bakit niya ako iniwan at kabod nalang sumuko..   Pero lahat ng iyon ay sa isip ko lang kayang isigaw.   Dahan-dahang umangat ang sulok ng labi niya habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.   “Long time no see.. Ria babe.”   Biglang nanlaki ang mga mata ko sa narinig.   Ano daw?! Ria.. b-babe?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD