Ria Jade
MY eyes widened in surprise. Halos ilang segundo yatang sinusubukang i-absorb ng utak ko ang salitang lumabas mula sa bibig niya. D-did he just call me Ria babe? Again?
“W-what?” I managed to ask after a while.
Sumilay ang ngiti sa labi niya hanggang sa maging isang ngisi. “Just kidding. I just wanted to see your reaction. As expected, your reaction shows it all.” He grinned.
Ang sarap niyang singhalan sa pagmumukha sa ginawa niya pero pinigilan ko lang ang sarili ko. I gritted my teeth while throwing him a deadly glare pero naiiling na iniwasan lang niya ako ng tingin at inayos ang sarili.
Bumaba ang tingin ko sa suot niya. Naka-black polo nalang siya ngayon habang nakabukas ang ilang butones. Tinernuhan ng slacks sa ibaba at suot ang isang silver cross necklace na talagang nagpa-perfect sa dating niya.
“You haven’t changed at all.” Bumalik ang tingin ko sa mukha niya nang marinig ang sinabi niya pero ang tingin niya ay nanatiling nasa harapan.
Ikaw? Nagbago ka na nga ba?
Gusto ko sanang isagot ang tanong na iyon sa kanya pero hindi ko alam kung bakit natatakot ako sa maari niyang maging sagot. Hindi imposibleng tawanan lang niya ang walang kwentang tanong ko gaya kanina. Kaya mananahimik nalang ako ulit.
“Wala naman rason para magbago,” tanging sagot ko.
Makalipas ang ilang minuto ay nagsimula na ang photoshoot.
Kung kanina hindi na ako kumportable sa tingin palang niya, paano pa ngayon na magdidikit pa ang katawan namin? Pucha.
Kaya pa ba Ria? Huminga ka lang ng malalim at pakalmahin ang lecheng puso mo. Napahiya ka na kanina, h’wag mo nang bigyan pa ng susunod na kahihiyan, jusme.
Humarap kami sa isa’t isa. “Jade, I want you to put your right hand on his arm and the other one on his shoulder. Make it just a normal yet romantic pose!” pag-uutos ng photographer na agad kong sinunod.
Humakbang ako ng isa palapit sa kanya at inilagay ang kanang kamay sa kanyang braso habang ang isa ay sa kabilang balikat niya. Hindi ko maipaliwanag ang kakaibang naramdaman ko noong magdikit ang mga katawan namin pero isa lang ang sigurado ko, pabilis ng pabilis ang t***k ng puso ko.
Bigla kong naramdaman ang pagpulupot ng braso niya sa likod ng aking bewang hanggang sa nagulat nalang ako nang bigla niya akong hapitin upang mas mapadikit sa katawan niya.
Nanlaki ang mga mata ko. “W-what are you doing?” I stuttered.
He smirked. “Masyado kang malayo. If you are really a professional, pag-aralan mong isantabi ang nararamdaman mo.”
Tinamaan ako sa sinabi niya. Tss. E ‘di sorry na! Kasalanan ko ba na ganito ang epekto niya sa’kin?! Dapat pag-aralan niya rin kung pano hindi mahulog ang mga babae sa simpleng galaw lang niya! Kaloka!
Mas pinili ko nalang na hindi sumagot. Gusto kong mag-focus sa ginagawa namin at mapakalma ang puso kong walang konsiderasyon. Natatakot akong maramdaman din niya kung gaano kabilis ang t***k ng puso ko sa mga sandaling ito.
*Click*
Kasabay ng pag-click ng camera ay ang dahan-dahang paglapit ng mukha niya sa akin na labis kong ikina-alarma. Napalunok ako habang nakatitig sa labi niyang unti-unting sinasakop ang distansya sa pagitan namin. Balak ko na sanang pumikit at hintayin ang paglapat ng mga labi namin pero biglang tumigil sa ere ang mukha niya.
At kasabay noon ay ang muling pag-click ng camera.
Napatikhim ako bigla. Okay. Medyo pahiya ako don.
Palihim siyang napangisi sa naging reaksyon ko. “Why? Are you expecting I would do something else?” He raised a brow.
Hindi ko mapigilang mapairap. Namumuro na ‘to sa’kin ha.
“Do you want me to expect something?” ganti ko. Muntik na akong mapatili nang bahagya niya akong itinulak pahiga sa bisig niya habang ang braso niya ay nakaalalay sa likod ng bewang ko.
“Sa pagkakaalam ko ikaw ang magaling magpaasa,” aniya na may nang-aasar na tono.
I clenched my jaw in annoyance.
Sa inis ko ay bigla ko siyang hinila sa collar dahilan upang bahagya akong mahila paangat. Mabilis kong ikinawit ang magkabila kong braso sa likod ng kanyang batok habang nanatiling nakapulupot sa aking bewang ang braso niya.
Then I looked directly into his eyes.
“What if there was a reason behind it?” lakas loob kong tanong.
Sa isang iglap ay naglaho ang mapang-asar niyang tingin. Hindi siya nakasagot, seryoso lang siyang nakatitig sa mga mata ko at walang kahit na anong emosyon na makikita sa mukha. Siguradong mayroon nang tumatakbo sa isip niya sa mga sandaling ito kaya sinubukan kong magsalita.
Ibubuka ko palang ang mga labi ko nang bigla niya akong bitawan na labis kong ikinagulat.
“H-hey—“ Bago ko pa matapos ang sasabihin ko, mabilis na niya akong nilampasan ng lakad kaya wala akong ibang nagawa kundi sundan nalang siya ng tingin habang naglalakad siya paalis ng studio.
I bit my lower lip as guilt slowly seize my body. Masyado yata akong naging mabilis.
Lumingon ako mga staff na halatang nagtataka sa nangyari. While on the other side, Dennis looked at me like she was asking what the heck happened. I awkwardly raised my hand, forming into a piece sign towards her at nag-aalangang ngumiti.
Napairap naman siya ng bongga at napapailing na naglakad paalis. Mukhang may ideya na siya sa ginawa ko.
Napanguso nalang ako bago nagsimulang maglakad para sundan siya.
Umangklas agad ako sa kanyang braso nang maabutan ko siya. “Hindi ko naman sinasadya ih..” I pouted.
“Tch. Ano ba kasing sinabi mo at na-badtrip ang isang ‘yon?” inis niyang tanong.
I pursed my lips, nag-aalangan sa sasabihin. “Sabi ko.. ano m-may rason kung bakit ko siya iniwan noon..”
Napatigil siya bigla sa paglalakad at nilingon ako.
“W-why?” I stuttered dahil sa kakaibang tingin niya.
She scoffed in disbelief. “Kung ako man ang nasa lagay niya, talagang magugulat ako! Pagkatapos mong paglaruan sasabihin mong it’s a prank? Tss. Ano ba kasing pumasok sa isip mo at nasabi mo ‘yun?!” bulyaw niya.
I bit my lower lip. “Nadala lang naman ako ng emosyon..” marahan kong sagot.
She rolled her eyes. “Lintek na emosyon ‘yan. O siya! Halika na’t nang magawan ng paraan.” Hinila niya ako papunta kung saan hanggang sa tumigil kami sa tapat ng isang pintuan. Tumingin muna siya sa magkabilang gilid na parang inoobserbahan kung may ibang tao sa paligid bago ako hinarap.
“Nakausap ko na ang mga staff natin. Sila na ang bahalang libangin ang manager ni Mikael habang ako naman ang magbabantay sa inyo. Bibigyan kita ng limang minuto para makausap siya. Understand?”
Determinado akong tumango. “Maraming salamat sa tulong niyo.”
She nodded. “O siya, pasok na. Tumatakbo ang oras,” aniya.
Wala na akong sinayang na pagkakataon pagkatapos noon. Humugot ako ng isang malalim na hininga bago nagpasyang buksan ang pinto at maingat na humakbang papasok ng kwarto.
Sumalubong sa akin ang dressing room niya na halos kagaya lang din ng sa akin. Pero hindi doon natuon ang atensyon ko kundi sa nag-iisang tao sa loob ng kwarto na kasalukuyang nakaupo sa harap ng vanity mirror. Nakataas pa ang magkabila nitong paa sa table habang nakapikit ang mga mata.
Sumandal ako sa pinto kasabay ng pagsara nito pero mukhang masyadong malalim ang tulog niya para mapansin ang pagpasok ko. Huminga ako ng isang malalim na hininga bago dahan-dahang naglakad palapit sa kinaroroonan niya.
Doon ko unti-unting nasilayan sa malapitan ang maamo niyang mukha habang mahimbing siyang natutulog.
Halos isang taon palang ang nakalilipas pero parang napakarami nang nagbago sa kanya. Bukod sa mas lalo siyang gumwapo, mas nag-matured pa ang itsura niya. Nakakatakot na malaman kung pati ang nararamdaman niya ay kasama sa nagbago sa kanya..
Habang nakatitig sa maamo niyang mukha, bumaba ang tingin ko sa mga labi niya. Hindi ko namalayang unti-unti ko na rin palang kinakain ang distansya ng mukha namin sa isa’t isa. Para bang nawala na sa normal ang pag-iisip ko nang mapatingin ako sa mga labi niyang bahagya pang nakaawang.
Napigil ko ang aking hininga sa ere habang palapit nang palapit ang labi ko sa kanya. Ilang dangkal nalang ang layo ng labi namin sa isa’t isa nang mapansin ko ang biglang pagkibot ng labi niya dahilan upang matigilan ako.
Napatikom ako ng labi at umiwas ng tingin. Humakbang ako paatras at umupo sa katabi niyang upuan nang hindi inaalis ang tingin sa kanya.
“Alam kong gising ka,” I said. “Wala kang maloloko dito.”
Sayang. Akala ko pa naman makakalusot na ako.
Dahan-dahang dumilat ang isang mata niya at sinilip ako bago tuluyang nagmulat at saka umayos ng upo. Sumandal ako sa kinauupuan at pinagkrus ang mga braso sa dibdib habang pinapanood siya.
He cleared his throat. “What the heck are you doing here?” he asked, trying to compose himself.
“What do you think?” I raised a brow.
Bigla kong naalala na tumatakbo nga pala ang oras kaya mabilis akong umayos ng upo at hinawakan siya sa magkabilang kamay na ikinagulat naman niya.
“Listen—“ I tried my best na kunin ang atensyon niya pero..
“Wow. Hold on, Ms. Jade,” he cut me kasabay ng pagtapik sa kamay ko. “What do you think you’re doing? Holding a stranger’s hand without permission?” tanong niya na may nang-aasar na tono at saka tumayo.
“But we aren’t strangers,” mabilis kong depensa habang sinusundan siya ng tingin.
“Huh? Then what exactly are we?” tanong niya pabalik. That question caught me off guard kaya hindi ko nagawang makasagot agad.
At sa halip na sumagot, tumayo ako at hinarap siya. “Mikael, hindi ako nagpunta rito para maghanap ng g**o. Gusto ko lang naman humingi ng sorry at ipaalam sa’yo ang totoo—“
“I don’t know and I don't want to hear anything you want to talk about, Ms. Jade.”
Napatikom ako ng bibig. I know everything wouldn’t be easy. Pero sadyang mahirap pala talaga kung ‘yung tao mismo ang ayaw makinig sa’yo.
“Why did you leave?” sa halip na tanong ko.
He seems taken aback by the sudden question. He stays quiet for a moment kaya itinuloy ko ang pagsasalita. Ayokong magsayang ng oras.
“I know it was all my fault. Ako ang sumuko, ako ang nakipag-break, at ako ang.. nanloko sa’yo. B-but why did you leave?” marahan at nag-aalangan kong tanong.
He let out a sarcastic smirk. “There. I think the answers came out to your mouth just now, Ms. Jade,” nanunuya niyang sagot.
Napakuyom ako ng kamao. “Yet you didn’t ask me why..”
Umiwas siya ng tingin at nagpakawala ng malakas na buntong hininga. “Know what, nagsasayang ka lang ng oras, Ms. Jade. It’ll be much better kung lumabas ka nalang at maghanap ng iba mo pang lolokohin.”
Hinawakan niya ako sa braso at tinangkang ipagtabuyan palabas pero mabilis kong tinabig ang kamay niya. Hindi ako papayag na ganito lang kabilis na masasayang ang paghihintay kong makarating sa ganitong pagkakataon.
Hindi na ako nag-dalawang isip pa na itulak siya ng malakas dahilan upang mapadikit ang likod niya sa pader sa labis na pagkabigla. Ginamit ko ang pagkakataong iyon para ma-corner siya gamit ang isa kong braso at itinukod sa pader.
Nauubos na ang pasensya ko.
“Talagang masasayang ang oras kung hindi mo ako pakikinggan!” bahagyang tumaas ang boses ko. “Ang gusto ko lang naman, pakinggan mo lahat ng paliwanag ko, mahirap bang gawin ‘yon? Kahit h’wag mo akong paniwalaan, ayos lang! Ang importante malaman mo ang totoong nararamdaman ko nung mga oras na pinalaya kita!”
Mabibigat na hininga ang pinakawalan ko matapos kong sabihin ang mga katagang iyon.
Matagal kaming nakatitig sa isa’t isa.
“Sa tingin mo may magbabago?” walang emosyon niyang tanong.
Hindi ako nakasagot. Gustuhin ko man na mag-focus sa usapan ay hindi ko magawa, masyado akong nadi-distract sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Isipin mo pa na sobrang lapit namin sa isa’t isa at naco-corner ko pa siya.
Paano ko magagawang kumalma sa ganitong sitwasyon?
“Hindi ba sa’yo na mismo nanggaling? Kalimutan nalang natin ang mga nangyari noon. Bakit hindi mo magawang panindigan?” may bahid na inis niyang tanong.
“Ayoko,” matigas kong saad. “Kahit kelan hindi ko magagawa ang mga kasinungalingang binitawan ko noon.”
He raised a brow. “Kasinungalingan?”
“Oo, tama ka. Everything I’ve said that night,” I paused. “Lahat ng masasakit na salitang narinig mo sa akin noon.. It was all just a lie,” pag-amin ko. Unti-unting lumambot ang ekspresyon ng aking mukha habang nakatitig sa kanya.
“Hindi mo alam kung gaano ko pinilit ang sarili ko noon na bawiin lahat ng sinabi ko. Gustong-gusto kong bumalik, gusto kong itama lahat ng pagkakamali ko..” Tears started forming in the corner of my eyes. “P-pero hindi ko magawa dahil sa isang tao..”
I swallowed the lump on my throat.
“Mahal kita. Pero ayokong masira kami ng pinsan ko..” My voice broke. Pilit kong pinipigilan ang sarili kong mapahagulgol sa harap niya. Kailangan kong tapusin ang sasabihin ko.
Umiwas siya ng tingin. “You know you’re cousin has nothing to do with us,” walang gana niyang sagot.
“Pero mahal ka niya..” I added.
Ngumisi siya. “Sino bang mahal ko noong mga panahong iyon?”
Tuluyan na akong natigilan sa sinabi niya kasabay ng muling pagbagsak ng luha sa aking pisngi. Ang gusto ko lang naman ay maintindihan niya ako. Gusto kong itama ang pagkakamali ko noon. Pero bakit parang ngayon ko lang narealize kung gaano ka-walang saysay ang pagsasakripisyo ko noon?
Kung gaano ako katanga..
“Do you still love me?” mahina kong bulong. Kusang lumabas ang mga katagang iyon mula sa aking bibig na dapat ay sa isip ko lamang.
I breathed heavily.
“Otherwise. Can you please.. love me again?” I almost pleaded while looking directly into his eyes.