Chapter 12 Family This is the day that I will leave Maestranza. Pero kung noon ay nakakaramdam ng bigat ng loob, ngayon, bahagya na lang dahil kasama ko naman si Irwin. Si Irwin nga ang halos nag-asikaso at tumulong sa pag-iimpake ng gamit ko, e. "'Ma, 'alis na po 'ko," para bang may bato na nakabara sa lalamunan ko noong magpapaalam na ako kay Mama. Ngumiti si 'Ma. Pero alam kong pinipilit niya lang. "Mag-ingat ka ro'n, ah? Mag-aral ka nang mabuti. Iyong mga bilin ko, sundin mo," paalala niya. Agad ko siyang hinagkan nang marinig ko ang panginginig ng kaniyang boses. We stayed like that for a minute. Bibisita naman ako rito sa Maestranza tuwing Linggo. Pero iyong isang araw na hindi ko siya makita, nalulungkot na ako. Nasa gilid ko naman si Irwin at diretso ang tingin sa aming mag-i

