Chapter 9 I'm Home We rushed to the said hospital that Manang referred to us. Noong nakita ko ang Information Service ay inunahan ko na si Irwin at patakbong nilapitan ang nurse doon. "M-miss, s-sa'n po ang kuwarto ni Ms. Marianne Olivar?" nangangatal na ang boses ko sa taranta at takot. Nag-check agad ang nurse sa kaniyang computer. Tina-tap ko na ang hintuturo ko sa lamesa samantalang kinakagat ko ang hinlalaki ko nang mariin. These were my usual mannerisms everytime I felt so anxious. "Ma'am, nasa Emergency Room po siya. Precede na lang po kayo sa left wing..." Hindi na ako nag-aksaya ng oras at patakbo ko nang tinungo ang tinukoy ng nurse receptionist. Nanginginig ang mga tuhod ko at naghahapdi ang mga mata ko. Maraming masasamang bagay ang tumatakbo sa utak ko pero ayoko pa m

