Chapter 10 Sakripisyo Everything happened in my life aftermath were messed up. Nagkasunud-sunod ang problema na dumating sa amin ni Mama. "'Ma, kumain ka na," pakiusap ko kay Mama habang sinusubo ang kutsara na may lamang kanin at ulam. Kasalukuyan kaming nasa kuwarto. Katulad ng kanina, umiling na naman si Mama at inilayo ang mukha sa kutsara. "Sinabi ko nang ayaw ko, 'di ba?" nagsusungit na naman siya. "Teka, 'di ba, Miyerkules ngayon? May pasok ka, ah? Ano'ng ginagawa mo rito sa bahay, Melissa?" nagkunot siya ng noo. Nag-iwas ako ng tingin. Alam kong kahit na hindi niya ako nakikita ngayon, dama pa rin niya ang damdamin ko. Mother-daughter connection. "'Ma, um-absent ako. Wala pong mag-aalaga sa inyo---" "Ano?!" Laking-gulat niyang tanong. "Hindi ko naman na in-oobliga na alaga

